[CHAPTER 17.1]

803 22 3
                                    

[CHAPTER 17.1]

ADAM’S POV

Grabe ‘yung babae na ‘yon. Siya lang talaga ‘yung nakapagsabi sa’kin nung bagay na ‘yun. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa sinabi niya. Ni hindi ko nagawang ipaglaban ‘yung sarili ko sa kaniya.

Parang pinapalabas niya na hindi ako gentleman. Sa bagay, hindi naman niya alam ‘yung buhay ko eh. Hindi ko siya masisisi kung bakit niya ako hinusgahan na gano’n.

*FLASHBACK*

Adam Navarro.

Only son of the CEO of Lucan Real Estates and the heir of the famous clothing line, “Posh”.

Ang yaman ko ‘no!

Ingget ka dude? Cool ka lang.

Ehem. Dito na ako tinubuan ng buhok sa USP. At malamang, dito na rin ako maging kalbo.

Alma Mater kung Alma Mater eh. Dito ko rin nakita ‘yung mga kaibigan ko. Sila Sean, Dustin, Lee at Ryan.

First boyfriends and at the same best friends ko ‘yung mga ‘yon. Lagi kaming magkasama. Ayaw na nila akong pakawalan --,)

Syempre kung lahat na lang nangyari dito sa USP, lahat din ng kapogian ko pinakita ko na din dito.

Bata pa lang ako sobrang chickboy na ako. Lalo na nung napasok ako sa basketball at the age of 12. At the age of 14 naman, sa height na 5 foot 9 ay walang babae ang hindi nalilingat sa kapogian ko --,).

Pero para ‘di naman mapagkamalang masungit, I always give them my killer smile and kindat style. Dami kong naging flings. Tama nang sabihin kong madami. Madami naman talaga eh.

Si Yvette.

Sya lang naman ang dakilang reporter ng school namin. Crush ako nun nung mula pagkabata niya hanggang maging 2nd year kami. Gara nga nun eh. Inamin niya sa’kin ‘yon. “Adam Navarro, hindi ka naman bingi eh. But can you hear my heart? It says ‘I love you” Yan ‘yung saktong sinabi niya habang nakahawak sa microphone. Idagdag niyo ang tilian ng mga tao tapos mga sigawan ng mga nainsecure na babae.

Tama. Narinig sa buong campus ang sinabi niya.

Pinuntahan ko ‘yung lugar kung saan nando’n siya.

Nasa gym pala siya nun. Pinaayos niya talaga ang sound system para lang mapagkalat ‘yung nararamdaman niya.

Parang naging awkward ‘yung feeling ko nun kahit sanay na ako makarinig ng confessions para sa’kin ng mga babae.

‘Yung iba sinasabihan ko ng “I’m sorry I don’t like you” at bigla silang iiyak pero bigla ko rin silang hahalikan sa pisngi. Done. Everything’s alright again.

Pero si Yvette, pinuntahan ko siya nun sa studio ng gym kung saan siya nagsasalita para itigil siya sa kahibangang ginagawa niya.

“Alam kong hamak lang akong reporter ng USP. Laging nagsasalita sa harapan ng microphone during your basketball tournaments. Hamak na host ng ilang programs ng school. Hindi cheerleader o water girl ng team mo. Pero Adam Navarro, I like you. Matagal na kitang crush.”

Nung sinasabi niya ‘yon, nakatapat pala siya sa microphone kaya rinig na rinig pa rin ‘yung sinasabi niya sa campus.

“Adam, ayokong matulad sa mga babae diyan. Na binabusted mo at saka hinahalikan na lang biglaan. Adam, please do something.”

Please do something? Huh? Ano’ng sinasabi nito? Hindi pa ako handing maging ama -.-

Nagpakita ako ng curious face at hinawakan siya sa dalawang balikat.

She's Like a DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon