CHAPTER 24 [??]
Adam’s POV
Isang araw na naman ng kakaibang kalokohan. Pero iba ‘yung araw na ‘to.
Hindi kasi ang barkadahan ang kasama ko o kung sinumang babaeng madali kong napapayag sa isang date.
Si Mike ‘yon dude.
Galing sa Tekken! Hindi niya ako matalo… nung una. Pero bumawi nang bumawi nung bandang huli na.
Ilang suntok muna naabot ko bago ko siya natalo nung huling round na. Sana live Tekken na lang ginawa namin -_______-.
Sa totoo lang, si Daddy ang may ari ng Kubo House na kinainan namin kanina.
Si Daddy ang nakaisip ng litid ng baka dish at ako ang unang una niyang pinatikim nun.
‘Yung kinwento ko kay Mike, ‘yon talaga ang history ng pakyu.
Dahil sa gustong gusto ni Dad ang klima ng rest house namin sa Ilocos, napagpasiyahan niyang dalhin sa Manila ang Ilocos. Hay ewan ko ba don. Basta ganyan ‘yung paliwanag niya sa akin.
“Baby, tingnan mo nga ‘tong venue ng grand opening ng business natin. Maganda ba?”
Tss. Si Mommy, as usual, may nakalagay na naman na cream sa mukha.
Kinuha ko ang picture ng lugar na paggaganapan ng grand opening blahblah na sinasabi ni Mommy.
“Okay naman.”
Binalik ko agad ito pagkakuha ko.
“Parang hindi mo naman tiningnan!”, padabog na kinuha ni Mommy ang picture. “Invited ang parents ng mga barkada mo. Invited din lahat ng gusto mong iinvite. Baka marami na namang matira sa cater. Sayang naman.”
Ano ba’ng tingin ni Mommy sa mga kaibigan ko? Asong taggutom?
Umakyat na ako sa kwarto ko at baka makatulugan ko si Mommy sa sobrang pagkaburyong ko sa salas.
Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.
To: Pacman dela Rosa
Msg: Nakabayad ka na sa utang mo sa’kin.
[Send]
Dustin’s POV
“Dad, punta kayo sa grand opening ng salon and spa ni Tita Carmela?”
“Hmm. If there are no appointments on queue. And, wala pang formal invitation letter. Kumusta na si Mike?”
Kanina kasi, tumawag si Tita Carmela kay Daddy at narinig ko ang usapan nila.
Hay. Kinukumusta na naman niya ‘yung babae na ‘yon. Ako nga hindi niya makamusta e!
“Ewan ko dun Dad. Bakit ba lagi niyo siyang tinatanong sa’kin?”
Natawa na naman nang pagkalakas lakas si Dad.
“Dust, maniwala ka sa akin. You like her ^___^”
“No.”
“You do.”
“No, I don’t!”
“Yes, you do baby boy.”
“No I really don’t, I would not, Daddy!”
“Do you like her?”
“Why would I like that girl slash boy? Duuuuh.”
Yay. Nabading pa ko sa pagkaka-“duuuuh” ko ah.
“It’s either yes or no. Ang daming sinabi ng anak ko. Confirmed! Hahahahaaha!”, iniwan niya naman ako sa salas habang tumatawa papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
She's Like a Dude
Teen FictionWho says, being boyish won't make you beautiful? Damn. Who fvkin invented those words? You're beautiful just the way you are. Even if you're like me, 'cause I'm like a dude.