PROLOGUE
Nag-angat ako ng tingin mula sa repleksyon ko sa salamin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko. A smile curved my lips when I saw a familiar face greeted me. Mukha na kaparehas ng taong mahal ko... mukha ng taong minsan kong minahal.
I always believe that. Ayokong burahin ang katotohanan na iyon sa akin. Despite everything... despite being with him and then ending things that way we did, alam ko na naging totoo ang nararamdaman namin para sa isa't isa. He will always have that part of my heart as I know that I will always have that from him.
We tried. We both thought that we were right. Marami kaming nasaktan kasi akala namin tama ang mga desisyon namin.
"You look beautiful."
Humarap ako sa lalaki at humakbang ako palapit sa kaniya, "Thank you."
He gestured me to stopped walking and I did. Sa ilang mga hakbang lang ay tinawid niya ang distansiya sa pagitan namin. Umangat ang kamay niya na para bang hahawakan ako pero ibinaba niya rin iyon.
Sandaling nakatitig lang siya sa akin na parang kinakabisa ang mukha ko. And for a moment... for a moment I let that part of myself speak again. Dahil alam kong parehas kami na alam na ito na ang huli. After today, I need to move forward completely without looking back. Kailangan ko ng bumitaw ng tuluyan dahil iyon ang tama para sa aming lahat.
"I always thought about how much it would hurt. Kung paanong tatayo ako sa tabi ng kapatid ko sa dulo ng altar habang naglalakad ka palapit sa kaniya. Kung paanong mararamdaman ko na para bang sa akin ka nakatingin katulad nang minsan kong pinangarap... but this time in reality I know that it would be wrong. That it will not happen because it's not my hand that you will reach for in the end."
Kaagad na nanlabo ang mga mata ko at humakbang ako palapit pa sa kaniya. Kahit ano pang gawin ko hindi ko maaalis sa sarili ko ang masaktan para sa kaniya na minahal ako ng totoo. I would always regret hurting him. I will always regret how we hurt each other. For being so powerless... for not having the choice to stop ourselves to have this ending.
Nakita ko ang mariin niya na pagpikit nang umangat ang kamay ko at inilapat ko iyon sa tapat ng dibdib niya, "I'm sorry."
Nang idinilat niya ang mga mata niya ay kita ko na basa rin ang mga iyon ng luha. Kinulong niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at mahigpit iyon na hinawakan.
Tumango siya at bahagyang ngumiti, "I'm sorry too and yet I still want to thank you. For letting me love you. Kahit saglit lang."
May kung anong inabot siya sa bulsa niya at nang hilahin niya iyon ay nakita ko ang chain ng isang kuwintas. He let go of the chain so I could see the dangling pendant and my heart instantly felt a stabbing pain when I saw what it is. Kasabay nang pag-agos ng mga luha ko ay ang pagkilos niya para ibaba ang kamay kong hawak pa rin niya at ibinuka niya ang mga iyon. I felt the coldness of the jewelry on my palm but the warmth of his hand stayed holding me.
"For your something borrowed." he whispered.
"I-"
"Don't feel obligated to use it. He knows about this and he told me to go for it. Pwede mo naman tanggihan. I know I shouldn't... but for some reason I want to give it to you. Even just for a borrowed time because we both know that you shouldn't keep it."
Mahigpit na hinawakan ko ang singsing na ginawang pendant para sa kuwintas. It's a beautiful ring. A ring that kept the promise of his love for a long time. Kahit na hindi na niya iyon nagawang ibigay sa akin para sa rason na noon ay posible sa amin.
"Will you give this someday to the woman that you will love?"
Umiling siya at dahan-dahan na binitawan ang kamay ko, "This will always be yours."
Ang dami ng nangyari sa amin. Ang dami na namin pinagdaanan. I could have stayed with him. We could have fought harder. Pero may mga bagay na hindi namin inaasahan na mangyari. Mga bagay na hindi namin nagawang pigilan. Paano kami magsisimula kung alam namin na pagkatapos ng lahat ay hindi talaga namin masisiguro kung kaya naming manatali sa tabi ng isa't isa? Paano kung hindi namin magawang makalimutan lahat ng mga bagay na nakasakit sa amin?
We've done a lot, lied enough, and hurt too much. We both deserve to be happy with a person that will only think of us. That will always choose us in a heartbeat without doubts. We both deserve to be with someone that will really see us. Despite... and inspite.
I opened the clasp of the necklace but he stopped my hands. Kinuha niya sa akin iyon at naglakad siya paikot sa akin para tumayo sa likod ko. He gently wrapped the necklace on my neck. I reached for the pendant to hold it for a moment.
I felt him went around me again, his eyes on the ring. May kung anong dumaan sa mga mata niya pero pilit niyang itinago iyon sa akin. Instead he smiled at me before he turned around to walk out of the room.
Parang may sariling buhay ang mga paa ko na tinakbo ko ang distansiya namin at pinigilan ko siya sa braso. Kasabay nang pagharap niya sa akin ay ang pagpapaikot ko ng mga kamay ko sa bewang niya para yakapin siya.
"Be happy. That's all I want for you."
"Don't worry about me." Nakangiting pinunasan niya ang luha na naglalakbay sa magkabila kong pisngi. "I'm going to be okay, Enyo."
"Sana hindi ko kinailangan na saktan ka."
"You made me smile for a long time."
"Sana hindi ko kinailangan na bitawan ka."
"You became mine for all those time." he whispered.
"I wish we were enough."
"You gave me the chance to love you. You tried even though it was hurting you. You stayed even though I was breaking you."
"I loved you."
He gently touched my cheek before he leaned forward to place the most gentle kiss on it. "I love you."
I can hear the difference. I know the difference. Pero wala akong magawa. Kasi alam kong mas masasaktan ko siya kung pinilit namin. Dahil may mga bagay na hindi na namin kayang baguhin. Sinubukan naman namin. Pero siguro hanggang dito na lang talaga.
All I can do is let go. For the both of us.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #9: The Mismatched
AçãoA night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. But hope was still breathing life in me knowing that everything is just temporary. Umaasa akong hind...
