Chapter 22: Soon

12.7K 648 221
                                        

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

A/N: Secret lang ang malalaman niyo sa chapter na ito. Shh!

Ps: MWF ang update unless may iba akong kailangan gawin sa araw na iyon. MWF. Monday, Wednesday, Friday. Hindi Muesday/Wuesday/Fruesday, Mhursday/Whursday/Frursday, Muturday/Wuturday/Fruturday, o Munday/Wunday/Fruday :3

CHAPTER 22: SOON

ENYO'S POV

Pasipol-sipol na ibinaba ko ang gamit na dala ko sa lapag ng training area bago ako lumapit sa isa sa mga treadmill para i-set iyon. Iyon nga lang bago ako makasampa ay napatingin ako sa apple watch ko nang maramdaman ko na nag vibrate iyon. Kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang pangalan na nakasulat doon.

FROM: SINAG

I just arrived at work.

Text me when you're done

with your workout so I could

call you.

I swiped on the watch and I replied with a smiley and thumbs up emojis. Muling nag vibrate ang relos ko dahilan para lumawak ang ngiti ko.

FROM: SINAG

We're going to talk tonight. 

Napailing na lang ako. I know that we need to talk. But right now I'm just going to enjoy our bubble. We deserve it after all the heavy things we needed to face and talk about for years.

I was about to start my workout. Iyon nga lang bago ko magawa iyon ay napatingin ako sa kaliwa ko nang maramdaman ko na may mga nakatingin sa akin. Nalingunan ko ang ilang mga babaeng agent na titig na titig sa akin.

"What?"

Naweweirduhan na pinagmasdan ako ni Athena, "Hindi ko alam kung i-ko-congrats kita o matatakot ako."

"Yup! She looks wrong," Snow said with a pout.

Sky inclined her head before she nodded. "She looks happy and it's weird."

Pinaningkitan ko sila ng mga mata at umakto akong ibabato sa kanila ang gym bag ko pero tinawanan lang nila ako. Naiiling na umakyat ako sa treadmill at sinimulan ko na ang pagtakbo. Kaya nga lang nararamdaman ko pa rin na nasa akin ang atensyon nila.

"Tigilan niyo ako at baka hindi ko kayo matantiya at ibato ko na sa inyo itong treadmill," banta ko sa kanila.

"You can try," Sky said with a scoffed.

"Isusumbong kita kay Nix nix ko," sabi ni Snow.

"Isusumbong kita kay Stone."

Muntik akong madapa sa narinig kong sinabi ni Athena. Mabuti na lang at nakakapit ako at mabilis kong hininaan iyon para magawa kong tumagilid. I started jump-skipping on the treadmill but I threw Athena a sharp look.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon