Chapter 12: Honey

12.4K 594 109
                                        


#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 12: HONEY

ENYO'S POV

Nangalumbaba ako habang pinapanood ko ang mga kaganapan sa harapan ko. Palubog na ang araw pero mukhang hindi pa rin nauubusan ng pagkakaabalahan ang mga tao. Isang bagay na sa tingin ko ay may misconception ang mga taga-siyudad.

Kapag kasi sinabing probinsiya o iyong mga lugar na hindi pa urbanisado ay laging unang maiisip ay kung paano nakakapaglibang ang mga tao. I remember one time, a friend in Manila even asked me kung may mall sa Cavite kasi nga probinsiya pa ang nasabing lalawigan. Baka nga kabugin pa sila. Minsan liblib na liblib na lugar tapos bubulagain ka ng malaking mall at sandamakmak na Puregold.

I guess it's because there's a thinking that province life is not as busy as the city. Kapag probinsiya kasi ang unang naiisip ay sandamakmak na puno at palayan lang ang makikita. Marami sanang puno sa buong Cavite kung hindi lang adik ang iba at lahat ginawa ng subdivision.

Dito sa Paham Wingkag base sa nakikita ko ay parang mas abala pa nga sila. They're doing things in a traditional way and they lack the modernity of other provinces but they have a lot to do. Sa mga ganitong oras ay baka nakahilata na ako sa bahay at nagpapahinga. They only shifted from their morning activities to a different one but they're still busy.

Some of the women are now cooking dinner, ang iba ay tila may iniimbak sa malalaking mga clay pot, at ang ilan naman ay mukhang gusto pang tapusin ang kanina ay hinahabi nila. The kids on the other hand are all playing freely. Ilan pa nga sa kanila ay nakita kong pumasok sa masusukal na mga puno at hindi man lang kakikitaan ang mga magulang nila ng pangamba.

They're at ease because they know there's no danger here. Ang tanging panganib ay nanggagaling sa labas dahil sa mga taong gusto silang kontrolin.

It was then that I finally understand Stone's effort to keep the peace on this tribe. Why he rather choose that we go through hard lengths than to endanger the people here. We shouldn't give the government more ammunition against this place.

"Ate!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng pagtawag at bahagya akong napangiti nang makita ko ang dalagang babae na sumalubong sa akin kanina. Sa pagkakantanda ko ay Rina ang pangalan niya.

Patakbong lumapit siya sa kinauupuan ko. Nakasalampak kasi ako sa patio ng isa sa mga malalaking nipa hut na nagkalat sa paligid. Inaayos pa raw kasi ang gagamitin namin ni Stone na bahay kaya nagmagandang loob ang isa sa nakatatandang babae na si Nita na tumuloy muna ako sa bahay niya habang naghihintay.

"Hi." Wait. Ano nga bang bati kapag tagalog?

Ngumiti lang siya na para bang hindi na bago sa kaniya ang salita ko. Inabot niya sa akin ang patong-patong na mga malilinis na damit. Tatlo sa mga iyon ay puti lang na tila gawa sa katsa habang ang apat ay katulad ng bestidang suot niya.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon