A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. But hope was still breathing life in me knowing that everything is just temporary. Umaasa akong hind...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP
A/N: Comment down kung sino sa tingin niyo ang tinutukoy ni Paige. Kapag may nakahula mag a-update ako ulit mamaya :))
CHAPTER 10: IMPACT
ENYO'S POV
Napapabuntong-hininga ako habang pinapanood ang mga kaganapan sa harapan ko. Nakaayos naman na ako ng mga gamit kanina pa kaya nga natulog na ako kaagad. I am tired. I just want to close my eyes and not think for a moment.
The Ender's mission, Blaze... and what I'm going to face today onwards. I just want to rest for awhile.
Iyon nga lang ngayon nga ay binulabog na ako ng pamilya ko. Hindi pa nga muling nagpapakita ang araw ay nandito na sila.
"Palitan mo iyong kumot, Eris. Hindi maganda. Lalamigin agad ang kapatid mo."
"Paano kung mainit doon, Ma?"
"Eh di hindi siya magkukumot. The important thing is your sister won't freeze to death if it's cold."
Mabilis na sumunod si Eris at naghalughog siya ulit sa kabinet ko habang si Mama naman ay abala sa pag e-empake sa malaki kong maleta na inilabas nila. Iyong maliit lang kasi ang dapat dadalin ko. Pwede naman kasing maglaba.
"Walang washing machine doon, Enyo. Mabuti na iyong sigurado ka. Paano kung sa ilog ka maglalaba tapos hindi mo napansin malakas pala ang alon at tinangay ka?"
I tried not to sigh again when I remembered my mother's reasoning. Paano naman ako tatangayin ng ilog? Hindi naman ako sa gitna ng ilog maglalaba? Isa pa I don't think my ilog sa lugar na iyon. Falls pa pwede o batis.
"Ma! Bakit may bikini rito?"
Gusto ko na lang tumalon sa bintana nang makita kong hawak-hawak ni Eris ang kulay pula ko na bikini.
"May beach daw doon. Saka paano kung maliligo si Enyo? Do you want her to bathe with nothing on? Mas okay ng naka-bikini kesa walang damit."
"It's a tribe. I don't think they will want to see someone almost naked."
"That's preposterous. It's not like they haven't seen a naked body. Paano sa tingin mo sila nagkaroon ng mga anak kung hindi sila naghubad? Sa tingin mo ba nakapikit kami ng ama mo noong ginagawa namin kayo-"
"Ma!" sabay namin na angal ni Eris.
"I'm just saying." Tumingin si Mama kay Papa na tahimik lang sa isang tabi ng kuwarto. "Siguradong-sigurado ako na dilat na dilat ang mga mata namin noon. Right, Aries, dear?"
My father just answered her with a sigh. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at tila hinigop ang tensyon sa katawan ko nang maramdaman kong yumakap sa akin ang isa niyang braso. I instantly wrapped my arms around his waist, letting the feeling of his warmth comfort me.