A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. But hope was still breathing life in me knowing that everything is just temporary. Umaasa akong hind...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP
CHAPTER 25: PRESENT
ENYO'S POV
Ibinaba ko ang cellphone ko sa passenger seat pagkabasa ko ng mensahe ro'n at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa pagmamaneho. It's my second text message coming from Freezale this week. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay hindi na naman nabigyan ng approval ang gusto naming pagbisita sa West Manila Prison.
"Those assholes," I whispered.
Kailangan naming makausap si Declan Ramos pero hindi iyon magiging posible kung hindi nila kami papayagan na makita siya. We can try to break inside the largest prison in Manila but only if we have plans to take him out with us because we can't stay there long. Imposible rin na makausap namin si Declan doon ng mag-isa patago dahil lagi silang may mga kasama. That prison has an advance technology than the others since it was funded by people with names that are probably on the list of the richest families in the country. Baka sinisigurong kapag nakulong sila ay may maganda silang facilities.
I made a sharp left turn when the navigation speak up breaking my thoughts. Sa kinaroroonan ko pa lang ay tanaw ko na ang simple ngunit agaw pansin na pangalan ng itim na gusali na nakasulat sa kulay ginto na mga letra. Reynolds, Iverson, & Associates.
Walang parking iyon sa loob pero may mga nakahanay na parking spaces paikot sa malaking gusali. Ipinarada ko ang sa akin malayo sa ilang mga nakaparada. Pagkaraan ay kinuha ko ang cellphone ko at bumaba na ako ng kotse. I tried not to look up but I know it's there.
The camera that is situated near where I parked. Kitang-kita roon ang sasakyan ko. Good.
My lips twitched when I saw a huge delivery truck parked beside mine. Nilagpasan ko iyon at naglakad ako papunta sa main door kung saan may guwardiya na nakatayo. Umakyat ako sa tatlong baitang na hagdanan at nginitian ko ang lalaki na napaawang ang mga labi. Tuloy-tuloy na pumasok ako sa loob ng gusali. Hindi man lang ako hininto.
Namataan ko ang babaeng receptionist di kalayuan pero abala siya sa pagkausap sa isang lalaki na mukhang bisita rin sa lugar. Imbes na lumapit sa kanila ay diretso akong tumuloy sa elevator. Alam ko naman kung saang palapag nandoon ang taong pakay ko.
I pressed the fifth floor button at the same time my phone vibrated. I opened it to look at the messages. Gumawa pa talaga ng group chat. Naiiling na pinatay ko ulit iyon.
After a minute, the doors opened and I was greeted by an open and modern office floor. The carpeted floor has the shade of beige as well as the few pillars around the office but the walls are in the color gray, it's shade are almost black. The furniture that looks expensive are all in dark brown.
Naglakad ako palapit sa malaking desk na nasa gitna ng lugar at pinigilan kong mapataas ang kilay nang makita ko roon ang isang babae na nasa akin din ang atensyon. Her eyes are not hiding the disdain she has for me. At least we're on the same page.