Chapter 13: Echo

11.2K 566 82
                                        


#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

A/N: Next update will be on Wednesday :) Busy week ulit.

CHAPTER 13: ECHO

ENYO'S POV

Pakiramdam ko ay nanlalaki ang ulo ko habang nakatitig sa tanawin na nasa harapan ko. I haven't thought about this because I was foolishly worrying about thousands of things than this. Samantalang ito dapat ang unang-una kong pinoproblema.

"Sa labas ka matulog," sabi ko.

Nag-angat ng tingin si Stone mula sa binabasa niya sa tablet device niya. He's wearing that damn glasses again! "Bakit?"

"Anong bakit?" asik ko.

The house they lent us was smaller than the others that I saw. Hindi ko naman akalain na pagpasok sa loob ay isang malaking space lang ang makikita ko dahil iyong tinambayan ko na bahay kanina ay nakita kong may mga kuwarto.

They don't have a kitchen inside their homes instead ang mga lutuan ay laging nasa labas ng bahay. Looks like the women cook together anyways. Nasa labas din ang banyo at liguan. So the house has nothing but just a one whole space of well... space.

Now for us, this is a problem. Dahil kahit malaki ang espasyo ay sa iisang lugar pa rin kami matutulog ni Stone.

"Wala akong balak maging pulutan ng lamok," sabi niya at ibinalik ang mga mata sa binabasa. "Just sleep at the other corner of the room."

"We can't sleep together!"

"Technically, we're sleeping at the same place but not together. If you know what I mean."

"Stone!"

"I will not sleep outside and I'm pretty sure na hindi mo rin gusto. Suck it up and stop being a big baby."

Nangigigil na nagtagis ang mga ngipin ko habang pinapaulanan ko siya ng masamang tingin. Iyon nga lang parang immune siya roon dahil hindi man lang niya ako tinignan ulit. Nagbabasa lang siya habang nakasandal sa dingding ng kubo. Sa itsura niya ay tila ba komportableng-komportable siya sa sitwasyon namin.

Bumubulong-bulong na hinila ko ang suitcase ko at inilagay ko iyon sa kabilang dulo ng kuwarto. Inusog ko rin ang kalahati ng pagkalaki-laking banig para ilagay iyon malayo sa kinapupuwestuhan ni Stone.

I opened my suitcase and thank my mom silently when I saw the fleece blanket that she forced me to take. May kakapalan iyon at malaki kaya magagamit ko iyon na sapin sa banig para hindi naman ganoong katigas ang hihigaan ko. Inilatag ko iyon at pagkatapos ay hinila ko ang maliit na throw pillow na nilagay rin ni Mama sa bagahe ko.

Napatingin ako sa mga gamit ni Stone at napakunot ang noo ko nang hindi katulad sa akin ay may malaki siya na unan na dala. Paanong nagkasya sa mga dala niya 'yon eh ako nga ang nakabagahe?

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon