Chapter 5: Twisted Fate

11.3K 510 63
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMPTMM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMPTMM

A/N: Hanggang wala pa tayo sa "present time", treat these chapters as flashbacks :) Kung gusto niyo pang sundan iyong timeline nila, Blaze and Enyo were together back in Dawn and Triton's story.

This timeline is almost parallel to The Sweet Secret's time and onwards. As for the real reason and what really happened sa apat na ito, kailangan niyo munang intayin na mag progress 'tong story kasi lilinaw din sila as the story goes :)

CHAPTER 5: Twisted Fate

ENYO'S POV

Inignora ko ang bahagyang pagkirot ng puso ko nang makita ko ang ayos ng kuwarto. Isinarado ko ang pintuan at pinatong ko ang dala ko sa lamesa bago tahimik na sinimulang ayusin ang mga kalat. This is not the first time but I keep hoping that this will be the last.

I hate seeing him like this. I hate being the reason that he became like this.

"Anong ginagawa mo rito?"

I can still remember the way his voice sounds whenever I'm with him. Kung paanong tinitignan niya ako sa paraan na ramdam ko na mahal niya ako. Pero bakit pakiramdam ko nawala lahat ng iyon? Bakit pakiramdam ko ako na lang ang nagpupumilit nang sarili ko sa kaniya?

I don't want to let him go. Not for the reasons that is not right. I didn't want this. Hindi ko ginusto lahat ng mga nangyayari. Hindi ko alam... hindi ko naiintindihan.

"Blaze, just let me."

"I made it clear to you last time. I don't want to see you here."

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung dapat pa ba akong kumapit kung ako na iyong binibitawan? Tama pa ba na manatili ako sa lugar na hindi naman na ako kailangan? Sometimes I want to protect myself and walk away. Pero ayoko. Ayokong bitawan ang isang tao na tumayo sa tabi ko noong panahon na pakiramdam ko ay naglalaho na ang lahat sa akin.

"I want to stay," I whispered, my voice laced with unmistakable pain.

Nag-iwas siya ng tingin at naglakad papunta sa kusina niya. He opened the fridge and I saw him grab another can of drink. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nilapitan ko na siya at pinigilan ang kamay niya. He flinched when my skin touched his as if I burned him.

"Blaze..."

"You shouldn't be here. Hindi na tama."

Inagaw ko sa kaniya ang beer at inilapag ko iyon sa counter, "Nagdala ako ng breakfast. Kumain ka muna bago ka ulit magsimula sa pagsunog ng atay mo."

"This is not right and you know it."

"Sa sofa ka na kumain. Lilinisin ko muna itong kusina."

"Just leave me alone."

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon