Chapter 11: Missing

12K 593 195
                                        


#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

A/N: Ang sagot kung sino ang may crush kay Paige na bagets? Si Ocean :)) Dahil may tumama, another update it is <3

Next update would be on Wednesday. MWF po ang TMM at DIABLO <3

CHAPTER 11: MISSING

ENYO'S POV

Hindi ko iniinda ang paminsan-minsan ay pagtalsik sa akin ng tubig. I just continued watching the view even if it's just a sea of nothingness for a long time. Hindi ko na nga alam kung gaano kami katagal na nakasakay sa bangka at lumalayag.

I stayed quiet from the moment that we left BHO CAMP. Wala rin naman akong kailangan sabihin. I already conditioned myself to just go with the flow of my messed up life. Wala naman akong ibang choice. I'm not going to fight it anymore. I'm done fighting fate because in the end I'm the one who's left with bruises and pain.

"O, mamaya bigla ka pang tumalon diyan."

Nasira ang tanawin sa harapan ko nang mapalitan iyon ng kamay na may hawak na maliit na paper bag na may tatak ng Craige's. Hindi pa siya nakuntento at winagayway pa niya iyon sa harap ng mukha ko.

"Hindi ako nagugutom."

"Yeah right. Kunin mo na 'to dahil ito na ang huling beses na makakakain ka ng gawa nang Craige's sa loob ng isang buwan."

Wala na akong nagawa kundi kunin sa lalaki iyon lalo pa at mukhang malapit na niyang iduldol iyon sa mukha ko. Padabog na binuksan ko iyon at binigyan ko siya ng masamang tingin na para bang wala lang sa kaniya dahil ibinalik niya na ulit ang atensyon niya sa hawak niya na tablet.

"You do know that you won't be able to charge that thing right?"

Nagkibit-balikat siya, "I have three power banks with me. They can hold a charge for at least three months. Hindi ibig sabihin na mawawala ako ng isang buwan ay kinakailangan ko rin bitawan ang mga trabaho ko na kailangan kong aralin."

Bakit hindi ko naisip iyon? Dala ko ang cellphone ko pero pinatay ko na iyon kanina pa. Wala naman daw kasing signal sa pupuntahan namin. Kaya nga nagdala ako ng ilang libro na hiniram ko kay Eris. Hindi ko nga lang sigurado kung mababasa ko dahil hindi naman ako gano'ng kahilig na magbasa.

"They're also solar charging."

"Eh di ikaw na."

Pilit kong sinalubong ang tingin niya nang kunutan niya ako ng noo. He looks like a strict professor specially he's wearing his glasses again.

"Ang init ng ulo mo. Kumain ka na nga lang," sabi niya.

I bite down the remark I wanted to say and instead I just opened the paper bag. Wala ring saysay makipagtalo kay Stone kasi lagi siyang may sagot sa lahat. Gusto niya rin lagi na siya ang may huling salita at dahil ganoon din ako ay hindi kami matatapos na magtalo.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon