Chapter 21: Ligaw Is Essential

12.9K 628 182
                                        

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

A/N: Alam kong nasanay kayo na masaktan dahil sa BHO CAMP #8: The Cadence. Pero kalma lang tayo. Bumabalik na tayo sa natural flow ng The Moonlight noon. Happy flow lang tayo fwendz at hindi ito scam :))

CHAPTER 21: LIGAW IS ESSENTIAL

ENYO'S POV

Napakurap ako at napatingin sa pintuan nang bigla na lang iyong bumalagbag pabukas. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Eris na magkasalubong ang mga kilay at parang any moment ay bigla na lang mambabalibag ng tao.

"Uhh... are you okay?" I asked.

"I know he's important to you and that will never change but I just want to ask you to go easy on me if one day I decided to just shoot him."

Tinapunan ko ng tingin ang mga magulang ko na nakaupo sa harapan ko bago ko binalik ang mga mata ko sa kapatid ko. "Si Stone ba ang tinutukoy mo? I know he could be annoying pero ako naman lagi ang iniinis niya kaya hindi ko alam kung anong ginawa niya para gustuhin mo siyang barilin. Pwede naman nating pag-usapan muna, hindi ba?"

"Stone? Of course not! I'm talking about his brother. Iyong baka napalitan sa ospital noong pinanganak sila."

"Magkamukha sila," paalala ko sa kaniya sa isang bagay na parehas naman naming alam.

"Hindi ko makita. Stone is a good guy. Blaze is... a different specie."

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya at pinakatitigan ko siya. I know that nothing would be more complex than my brain since, hello? Brain trauma. But somehow the way she's acting reminds me of well... me.

Tumingin ako sa mga magulang namin at nakita kong maging sila ay parang nag-iisip habang nakatingin sa kapatid ko. My mother looks simply curious but my father looks like as if he's going to burst a nerve.

"Anong ginawa sa'yo?" tanong ko.

"He pretended that he didn't know that I was the one who went back to the room. Sinabihan niya ang nurse na kabitan ako "ulit" ng IV. I don't need a freaking IV! Alam niya iyon dahil pagkatapos akong makabitan ay pinatanggal niya naman ang sa kaniya. Then he said, "Hi, Eris." Who does that?!"

"Uhh..."

"Dapat nga mabait siya sa akin. Pagkatapos ng sakit ng ulo na dinala niya sa akin na naging dahilan kung bakit tayo nag-away, dapat hindi niya ako iniinis ng ganito!"

"That's actually on me too so I can't blame him-"

"He was put on this earth to give me a migraine!"

"Sit down, Eris Lawrence Wright."

Itinikom ko ang bibig ko at nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si Mama na nagkibit-balikat lang. Halata kasi kay Papa na malapit ng maubos ang pasensya niya. Mukha namang naramdaman din iyon ni Eris dahil kuyom ang mga kamay na umupo siya sa tabi ko.

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon