A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. But hope was still breathing life in me knowing that everything is just temporary. Umaasa akong hind...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP
A/N: Be attentive with the timelines. Iba-iba ang timeline ng TMM hanggang hindi pa nakakabalik sa present times.
CHAPTER 1: LOST FOREVER
ENYO'S POV
"Hoy."
Napapitlag ako nang marinig ko ang nagsalita na siyang pumutol sa malalim na iniisip ko. Kung hindi ko pa nailayo sa katawan ko ang hawak ko na cup ng kape ay baka bumuhos na sa akin iyon ng wala sa oras.
Binigyan ko ng masamang tingin ang isang masamang elemento na naging dahilan kung bakit mula sa pagiging tao kanina ay ngayon isa na akong duwende. Pa'no ba naman para siyang tore kapag itinabi sa akin. Kumbaga kung sa chess baka hindi lang ako iyong maliit na pawn pag itinabi sa kaniya, baka tantos lang ako sa sungka.
"Hoy ka rin."
"Sa lahat ng assistant ikaw iyong nagkakape habang ang boss mo wala."
Pinaikot ko ang mga mata ko at sumimsim muna ako sa hawak na inumin bago ko siya nilingon para sagutin. "Kumuha ka ng sarili mong kape. I'm a private investigator assistant. Not just an assistant. And if even if I am that kind of assistant, wala sa job description ng trabaho na iyon na gumawa ng kape para kanino. It's a courtesy that stuck-up people who think they better than anyone should be grateful for."
Itinaas ng lalaki ang mga kamay at walang emosyon sa mukha na tumingin sa kaganapan sa harapan namin. Dahil wala na sa akin ang atensyon niya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya.
He's really tall. Iyong klase ng tangkad na kinakailangan kong tumingala ng todo kung hindi lang ako naka-heels ngayon. The familiar expression on his face that I often see, make him look more of a sculpture; one that is perfectly crafted.
He's a perfect replica of his brother. Wala akong makitang pagkakaiba sa kanilang dalawa. Kung hindi pa nakalagay sa mission announcement kanina ay baka maguguluhan pa ako kung siya ba ang nasa harapan ko o ang kakambal niya. After all he and his brother and sisters are quadruplets.
Yep. Quadruplets. I don't think I know any people coming from a family with quadruplets or triplets. Pero sa pamilya niya ay parang normal na ang magkaroon ng multiple na mga anak. This man's cousins are even triplets.
Magkaiba na magkaiba sila ng kapatid niya na si Blaze kesa sa dalawa nilang kapatid na babae. Those two are petite, smaller, and of course very feminine. Hindi rin sila madali i-distinguish pero since nasa ibang bansa si Sky ay hindi naman iyon problema. Pero sa isang 'to at kay Blaze parang hindi pwedeng itabi sa kabila ang salitang "maliit".
Napatikhim ako nang may kung anong dumaan sa utak ko at kaagad kong pinilig ang ulo ko. Wow. It's the middle of the day and I'm having this kind of thoughts. How inappropriate.