Chapter 15: Northern Star

11.6K 605 96
                                        

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 15: NORTHERN STAR

ENYO'S POV

Two weeks later...

Nakahalukipkip na pinagmasdan ko ang direksyon ni Stone na ngayon ay kausap ang isa sa mga Wingka. Her name is Aya I think. Isa siya sa kasama ni Rina na ang main na ginagawa sa isla ay ang pagpapadami at pag-aalaga ng mga bulaklak at halamang gamot. Mas matanda nga lang siya sa dalagita ng ilang taon. Probably closer to my age than to her.

She's wearing the same clothes that all the women here are wearing. Damit na suot ko rin dahil hindi pa natutuyo ang mga damit ko. She has long black her, a skin tone that is fairer than the other Wingka, and she's also beautiful. Sa pagkakatanda ko sa kuwento ni Rina ay hindi Wingka ang ama niya kundi isang dayo na naligaw sa lugar na ito dahil sa isang aksidente. That's why she looks different than the others. Iyon nga lang umalis din ang taong iyon at naiwan na buntis ang nanay ng babae.

Magaganda ang mga babaeng Wingka pero isang tingin pa lang kay Aya ay malalaman mo na may dugo siyang banyaga. She has long lashes that are naturally curled, pointed nose, and she has this "bumper" that will put mine to shame. Anong magagawa ko kung normal na regalo lang ang binigay sa akin ni Lord at hindi ako kasing gifted niya?

She's also excessively flirting with Stone.

Hindi ko alam kung friendly lang siya talaga dahil pala-kaibigan naman talaga ang mga tao rito. Baka ako lang din ang nag-iisip ng masama sa kaniya. Pero sa paraan kasi ng pakikipag-usap niya kay Stone kung saan paminsan-minsan ay hinahawakan pa niya ang lalaki sa balikat ay pakiramdam ko may iba talaga sa kilos niya.

I know I've been ignoring Stone for weeks. Hindi naman mahirap gawin iyon sa dami ng puwedeng gawin sa lugar na ito. I helped the women sa pagluluto, sumama ako kay Rina sa paggawa ng mga sabon, I also helped at baking though I'm more doing the cleaning and lifting because I'm still not good in the kitchen, and an old man Wingka also taught me pottery which surprisingly, I enjoyed.

Still, he's married for goodness sake! Marriage is sacred at this place so it's expected for them to respect every marriages.

"Ate mangunguha po sila Dante ng prutas."

"Aakyat ka ng puno?" tanong ko kay Rina na lumapit sa akin.

"Hindi po manonood lang saka kakain," nakangiting sabi niya at inangat ang katsa na lalagyan at maliit na kustilyo na nakabalot sa tela. "Gusto mo pong sumama?"

"Sige. Tulungan ko na rin sila."

"Hindi umaakyat ang mga babaeng Wingka sa puno."

Napalingon kami ni Rina at kaagad nagsalubong ang kilay ko nang makita ko na si Aya ang nagsalita. Nasa amin na rin ang atensyon ni Stone pero hindi ko siya tinignan at sa halip ay nasa babae lang ang mga mata ko. "Bakit hindi?"

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon