Chapter 17: Home

10.7K 583 166
                                    

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 17: HOME

ENYO'S POV

"Psst!"

Halos mapadausdos ako sa sahig nang may magsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang maamong mukha ni Rina na nagtatakang nakatingin sa akin. Akmang sisilip din siya sa likod ng malaking bato katulad ng ginagawa ko kanina pero mabilis na hinila ko siya para maikubli siya.

"Bakit, Ate? Nagtataguan na naman kayo ni Kuya Stone?"

"Na naman?"

Nagkibit-balikat siya at bahagyang sumilip sa kabilang panig ng bato kung saan kasalukuyang tumutulong si Stone sa paghahasa kasama ang ilang mga Wingka. I'm not hiding because I want to watch how his biceps flex with his every move or to gaze at the trickle of sweat glistening all over his body.

Wow. Hindi halatang hindi 'yon ang dahilan.

Ipinilig ko ang ulo. Nagtatago lang naman kasi talaga ako para hindi niya ako makita. Dadaan lang kasi talaga ako tapos nakita ko silang may ginagawa kaya bago pa niya ako makita ay nakapagtago na ako. Pero dapat aalis ka na kaso ang ginawa mo nanood ka muna.

"Nitong mga nakaraan po kasi ay parang nag-iiwasan kayo."

I was avoiding Stone. Iniiwasan ko na siya bago pa ang mga nangyari kagabi. There's a lot between us that is confusing me the hell out... but most of all they're scaring me. But last night, there's some clarity that I have now but I still don't know what to do with it yet.

Noon ay iniiwasan ko siya dahil hindi ko alam kung paanong haharapin ang lahat. Ngayon ay iniiwasan ko siya dahil hindi ko alam kung anong susunod ko na gagawin.

There's so much history between Stone and I. History that will not only hurt us but also his brother. I can't just erase everything I had with Blaze as if they're nothing and now I can't do that too with Stone.

"Hindi naman," sabi ko sa kaniya. "Ayoko lang siyang kausapin."

"Hindi ba gano'n din 'yon, Ate?"

"Magkaiba 'yon."

Mukhang naguguluhan pa rin siya at maging ako ay hindi maipapaliwanag sa kaniya ng maayos lahat. Kung ako nga hindi alam ang sagot paano ko pa iyon sasabihin sa kaniya?

Napapabuntong-hininga na hinawakan ko ang kamay niya at nakayukong hinila ko siya para bumalik sa pinanggalingan namin. Nang matiyak kong hindi na kami makikita nila Stone ay umayos na ako ng tayo.

"Ate?"

Nilingon ko si Rina, "Bakit?"

"Totoo po ba na hindi mo na naaalala lahat dito sa Paham Wingkag?"

BHO CAMP #9: The MismatchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon