#BHOCAMP9TMM #BHOCAMP
A/N: I'm only updating this because a huge part of this chapter (1k words) ay nabasa niyo na. It feels like cheating to me since technically kalahati lang ang isinulat ko for this so I'm posting this on the same day as chapter thirty-five.
CHAPTER 36: PAUBAYA
ENYO'S POV
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nilingon ko ang taong katabi ko at marahang tinapik ko siya pero tumalikod lang siya at bumalik sa pagtulog. I didn't even know we fell asleep.
"Blaze get the door."
"I don't wanna."
"Blaze."
"I'm sleeping."
Napapabuntong-hininga na tumayo ako at pupungas-pungas na naglakad ako papunta sa main door ng bahay. Napakunot noo ako nang buksan ko ang pintuan at makita kong mail courier iyon. Wala naman akong inaasahan na kahit na ano.
"For Enyo Wright?"
"That's me."
"If you could please sign here."
Hinarap niya sa akin ang clipboard na hawak niya at pinirmahan ko ang papel na nandoon. He tore the other copy and gave it to me together with the parcel that is probably A4 size. Pagkatapos no'n ay tumalikod na ang lalaki at umalis.
Mabilis na sinarado ko ang pintuan nang umihip ang hangin. It's cold outside. It's always freaking cold outside. I've been here in Ottawa for quite some time and it never stopped being cold. Now it's been a few days that it keeps on snowing.
Noong una masaya pa. I lived in the Philippines all my life so snow is fascinating to me. Iyon nga lang din ang problema dahil sanay ang balat ko sa klima ng Pilipinas. It's not easy to get accustom to how cold here even if the snow is beautiful.
Akala ko nga hindi na ako tatalaban ng lamig. Malamig din naman kasi sa Tagaytay. But Ottawa gave me two middle fingers by snowing hard this year. Pinapatunayang wala ang lamig ng Tagaytay kapag yelo na ang usapan.
Inilagay ko sa coffee table ang parcel. Nang makita kong halos lumungayngay ang ulo ni Blaze sa sofa at mahina kong sinipa ang binti niya. "Wake up, sleepyhead."
"No."
"I'm hungry. I need lunch."
"Then cook some."
"As long as you're going to eat it with me."
It was enough for him because his eyes snapped open at that. He was burden to eat the result of my attempt to cook two days ago. Hindi ko kinailangan isugod siya sa ospital dahil wala naman atang nakarating kahit sa esophagus niya sa niluto ko dahil iniluwa niya lahat ng sinubo niya.
BINABASA MO ANG
BHO CAMP #9: The Mismatched
AksiA night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. But hope was still breathing life in me knowing that everything is just temporary. Umaasa akong hind...