Chapter 58

84 8 1
                                    

Elijah Vera POV

Three days from now ay ang kasal na namin ni Emman. We decided na sa Manila na lang dahil sa mga nangyari ay siguro na trauma kami at ang mga nakapaligid sa amin kaya minabuti na dito na lang.

Kong ako ang tatanungin mas maganda talaga na sa Batangas kami ikasal, doon kami nagsimula eh. Doon kami nahulog sa isa't isa, doon namin binuo ang masasayang ala ala at masasakit na bumuo sa kong sino kami ngayon.

It will be surely special kong doon magaganap but then again, I can't risk our lives for my own pleasure, siguro we can do another wedding kapag panatag na ang lahat.

We arranged everything from the gowns, suit, motif and cater everything is settled. I do's na lang naming dalawa ang wala, last week naisipan kong isulat ang magiging vow ko para sa kanya, pwede namang wala pero ewan sinulat ko pa din siya.

While writing it hindi ako makapaniwala, after all what happened sa simbahan padin kami bumagsak. Nang umalis ako dati hindi ko naisip na dadating ang panahon na to, panahon na makikita ko ulit siya at babalik kami sa kong ano kami dati. Ang naisip kong senaryo ay masaya na siyang kasal sa iba na binubuo na niya ang dati naming pangarap kapiling ang iba kahit kailan hindi pumasok sa isip ko nap ag umuwi ako ay magmamahaln pa kami.

Masaya ako na halos lahat nang taong mahalaga sa akin makakapunta. It would be happier if Ceshiah and Levy will be there, but I know its impossible.

Nang huli kong makausap ang Mommy ni Levy at si Tita Lily ay imposiible daw na makauwi si Levy. He's travelling around the world at lahat nang socials niya ay naka deactivate.

I'm happy that he's enjoying his life now. Im happy that he chooses his self-more than anyone, if there is someone that would be happy for his happiness it would be me. Levy is a good friend to me. I treasure him so much and thinking that na hindi siya makakapunta ay masakit sa akin pero kailangan kong intinidhin. Alam ko na ito ang kailangan niya.

Alam ko na nasabi na niya sa akin na wag kong sisihin ang sarili ko sa desisyon niya pero hindi ko magawa gawin yon, kahit anong pilit ko naiisip ko pa din na dahil hindi ko siya kayang mahalin at nasaktan ko siya nang sobra kaya kahit mahirap sa kanya umalis, umalis siya.

Of all people alam ko kong gaano kahirap umalis sa isang lugar na naging tahanan mo pero kailangan. Ang hiling ko na lang ay kong na saan man siya mahanap niya ang kasiyahan na deserve niya yon na lang ang tanging mahihiling ko. Because he deserves it, he deserves to be happy at alam ko na hindi yon sa akin.

Sa case naman ni Ceshiah, I know may reason siya kong bakit siya umalis at hindi na bumalik, sa lahat sa aming mag babarkada siya ang katulad ko magaling mag panggap kaso mo lang ako mahina at siya malakas. Kaya alam ko na kong na saan din siya kinaya niya lahat, sana lang dumating ang panahon na makikita ko ulit siya and Ill see how she succeeded and how happy she is.

I'm at the hospital at the moment. I decided na mag trabaho ngayon at bukas dahil halos two weeks akong mawawala, dapat isang buwan but then we are both busy. Pwede naman kami mag bakasyon anytime if our schedule will forbid.

"Doc Eli!" Nagtatali ako ngayon nang buhok nang bigla akong tinawag nang isang Doctor na galing sa probinsya yong mga bagong staff. Agad kong tinapos ang pag pupuyod at lumapit sa kanya.

"Doc Katherine!" Naka close ko naman halos lahat pero isa siya sa pinaka naka close ko mabait kasi at talaga namang madami akong natutunan, veterano na talaga siya sa field of medicine kahit na sa mura pa nitong edad.

"Hi! Mag rounds ako sa pasyente ko sama ka?" Napangiti agad ako, gusto ko laging nasama sa rounds niya kasi bawat pasyente niya ipinapaliwanag niya kong anong klaseng sakit, kinds of medication at madami pang iba, kumbaga hindi lang ako basta nag eenjoy na sumama natuto pa ako.

Once Upon a  Crush (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon