Chapter 10

178 16 1
                                    

Elijah Vera POV

Hindi maalis ang ngiti sa akin simula nong gabi na yon, sa sobrang saya ko nga pakiramdam ko perfect ko lahat ng exam ko, si Emman naman pala ang sagot para di ako bumagsak eh.

Hindi na kami ulit nagkita simula ng gabing yon, namimiss ko ba siya? Seriously? What is wrong with me? Namiss ko agad?

Naging busy din naman kasi ako this past few days since exam week nga namin, last day na ng exam ngayon buti na lang at dalawang subject lang ang scheduled para sa araw na ito kailangan ko din ng pahinga aber.

Naglalakad ako sa may quadrangle ng maka salubong ko si Levy matagal tagal ko na din tong hindi nakikita, busy rin siguro, syempre busy pareho lang naman kaming grade ten.

"Musta na? Buhay pa?" Tanong ko natawa naman siya, makatawa naman kala moy.

"Ayos pa naman naging busy lang dami aaralin eh" What? Si Levy nag aaral?

"Nag aaral ka pala" Ako naman ang natawa, nako! Bes hindi halata sayo, akala ko pakikipagkamay lang ang alam mo.

"Hoy nag-aaral ako no! Tsaka nga pala nasan sina Aaron bakit di mo kasama?" Linga niya pa sa likod ko.

"Nasa taas sila bumaba lang ako para i-abot yong project ko kay Miss Lezma" Tumango siya, kaya sabay kaming umakyat at tulad nang dati hinatid niya ulit ako sa room ko, kumaway na lang ako sa kanya.

Nang makapasok ako sa loob nang room nadatnan kong nag kwe-kwentuhan ang mga kaibigan ko sa isang tabi ang lalakas ng boses nila kahit magkakatabi lang naman, ang sasama na ng tinggin ng mga kaklase naming nag-aaral, naglakad ako papunta doon napatinggin ako sa upuan namin ni Trisha nakita ko siyang nag-aaral doon mag isa, simula ng sagotan nila ni Carol wala na talaga siyang nakasama dito sa room o kahit sa ibang section palagi lang siyang mag isa, hindi ko maintindihan ang sarili ko tunay na naiinis ako sa ugali niya pero at the same time naawa din ako minsan nga gusto ko talaga siyang kausapin kaya lang baka masamain nanaman niya.

Napailing na lang ako at dumiretso na sa barkada ko na nakaupo sa sahig, tumabi ako kay Carol at Ceshiah, sa kanilang lahat kasi sila lang ang nag rereview tapos nag dadaldalan na lahat. Nang maupo ako tumingin silang dalawa sakin, nagtanungan na lang kami ng kong ano ano na tungkol sa exam namin. Nang tinamad na ako mag-aral sumabay na din ako sa pakikipag kwentuhan sa kanila.

"Guys super excited na ako sa district! Siguradong madaming pogi!" Tili ni Aaron, hay yan ang tra-trabahuhin na naman niya sa district, taon taon niya yan ginagawa at hindi pa siya nahihiya chinachat niya pa talaga barkada ko lang malakas.

"Basta ako sa Volleyball ako manonood aabangan ko ulit si Reyes" Sambit ni Che basta ganyang usapan nagkakasundo sila pero di tulad ni Aaron si Che hindi na nag effort mag chat sa mga yon kasi madalas sila na yong nag chachat sa kanya at pag nagtagal ginoghost na siya pero mukha namang sanay na sya, immune.

"Reyes? Ano susunod ka sa apak ni Dulce?" Tanda ko yong Reyes na volleyball player, may itsura nga pero di ko type, iwas pag Reyes feeling ko kasi incest.

"Kong papalarin kaya lang alam ko namang hindi ako makakahanap ng isang commander, diba? Dulce?" Umirap si Dulce at agad na pinamulahan, may pang black mail na naman ako goods yon.

"Pwede ba tigilan nyo nga ako!" Namumula na naiinis na siya kaya naman hindi na namin siya sobrang kinulit baka mamaya sugurin kami ni Third dahil diyan.

"Oo na nga po, hindi ka na nga po aasarin" Natutuwa ako pag ganito si Dulce nakakapanibago, hindi siya kailanman pinamulahan ng pisngi ng dahil lang sa mga ka chat o mga lalaking may gusto sa kanya, bilib din ako sa mokong at napatiklop niya ang kaibigan ko, I wonder lang kung sila na as far as i remember hindi kailanman nag commit si Dulce, pero problema na nila yon hindi na dapat ako nakikialam.

Once Upon a  Crush (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon