Chapter 32

137 7 1
                                    

Elijah Vera POV

Ngayon ang unang araw ng balik sa school, maaga akong pumasok kasi may pa meeting daw si Terran. Nandito ako sa unahan katabi si Dulce at Ceshiah, wala si Aaron hindi pumasok ang sabi niya may sakit siya, meron nga katamaran.

Hindi ko alam kung madami o maunti ang pumasok sa section namin dito na kasi ako pinadiretso nung dalawa ng i chat ko sila kanina, suot namin ngayon ang uniform namin sa CAT, friday kasi ngayon iniisip ko nga kung bakit nagpapasok pa sila pwede namang lunes na lang? Mema lang talaga?

"Sabi ni Sir Andy by partner daw ang pasigaw next week, para walang gulo ako na gumawa nandon sa mesa yung listahan ng partners, papaalala ko lang ulit walang malalate sa lunes utang na labas na! Ako kakatayin ni Sir Andy" Nagtawanan kami, kahit naman ilang beses niyang sabihin yan meron padin malalate impossibleng wala, kay Aaron palang wala na siyang pag asang makaligtas sa sermon ni Sir Andy.

"Kung wala na kayong concerns regarding sa happenings next week ididismiss ko na kayo papatawag ko na lang ulit kayo pag may mga kailangan ako sabihin, sabihan nyo yung mga wala na please wag mag palate sa lunes sa ibang araw na lang basta wag sa monday, Hoy! Eli! Ceshiah! D-dulce, pasabi kay Saros ha!" Nagtanguhan kaming tatlo, nang papaalis kami ay nagkatinginan kami ni Ceshiah at sabay na natawa, kawawang Terran hindi na nakaahon lumubog na ng tuluyan.

Inintay namin na medyo kumunti ang mga tao doon sa mesa bago namin tiningnan yung aming kapartner, unang nahanap ni Ceshiah ang kanya.

"Hayop na yan! Bakit si kirara ang kapartner ko?! Pota!" Natawa man kami ay binatukan ko padin siya, bibig talaga nito baka mamaya marinig na naman siya nung sinasabihan niya edi away na naman.

"Ikaw talaga, hinaan mo nga yang boses mo! Mamaya marinig ka na naman nun mag away na naman kayo" Humarap siya sakin at umirap tinggnan mo ang isang to siya pa mataray concern na nga eh.

"Tama si Eli, grade nine pa tayo mag kaaway na kayo di kaba nagsasawa? Kasi ako umay na" Ibinaling ni Ceshiah ang mukha niya kay Dulce, namewang din ito at mataray itong tiningnan.

"Nakakahiya naman sayo no?! Baka nakakalimutan mo kung bakit mag kaaway kami aber, kung hindi ka indenial edi sana hindi ko nakaaway yan!" Nagtalo pa sila hindi na ako nakisali dahil busy ako sa paghahanap ng pangalan ko, nasan na ba yon? Nakailang lipat pa ako ng papel hanggang sa mahanap ko na sa wakas ang pangalan ko.

Si Venice lang pala tagal tagal ko pang naghanap, katabi ng pangalan ko yung kay Dulce kaya ng makita ko na naghahanap siya ay pinigilan ko yon at sinabi sa kanya ang kapartner niya.

"Si Terran kapartner mo wag ka ng maghanap" Nag ngiting aso naman ako sa kanya, nang dahil sa ginawa ko pareho na silang badtrip ngayon ni Ceshiah, kaya ng makarating sa room wala nagtangkang tumabi o kumausap man lang sa kanila saming magbabarkada, nakakatakot baka bigla kaming bigwasan hahaha.

Kalhati lang saming section ang pumasok, pero hindi ako don na bother kundi kay Trisha ilang linggo ko din siyang hindi nakita, linggo ba? Ewan buwan na ata, madaming nabago sa kanya isa nadon ang buhok niya, short hair na yon ngayon ang mukha naman niya ay parang mas lumiit at ang mga labi at pisngi ay mas mapupula na ngayon.

Kumbaga kong dati kahit ganon ang ugali niya ay hindi halata dahil sa itsura niya, ngayon halata mo na, mas nag mukha siyang mataray ngayong naglalagay na siya ng heavy makeup sa mukha niya, napansin niya na tumingin ako kaya tumingin din siya sakin, akala ko ay iirapan niya ako o kung ano pero ngumiti siya sakin, iniwas ko na lang ang tinggin ko hindi ko ginantihan ang kanyang ngiti.

Na bother man sa naging titigan namin ni Trisha ay hindi ko hinayaan na makaapekto yon sakin, matagal na nakontrol ni Trisha ang pagkatao ko ng hindi niya nalalaman ngayon hindi ko hahayaan na mangyari ulit yon at gumawa ng mga desisyon na alam ko sa sarili ko na pagsisihan ko.

Once Upon a  Crush (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon