Chapter 12

152 14 1
                                    

Elijah Vera POV

Hindi ko siya maiintindihan, ano bang ginawa ko sa kanya? At ang pagkakasama ng tinggin niya sakin, ilang saglit lang niya ako tiningnan bago binaling na ang mga mata sa judges tumingin din siya kay Trisha sumigaw kasi to, sana all kaya kang i cheer at isigaw ang pangalan mo ng ganyang kalakas, at higit sa lahat sana all jowa mo.

Rumampa pa sila ng isang beses bago umatras ng kunti para makapag bigay ng space sa mga magpapakilala, ng tawagin na ang school namin ay halos mahalit ang mga lalamunan ng mga taga suporta ni Lev kaya sumigaw na din ako, sinabayan ko yong chant ng mga supporters niya, yes supporters talaga ang dami niyang fangirl.

"Go Levy! Go Levy! Go! Go! Levy!" Ginaya nila ang cheer ng ust pero imbes na go uste, go Levy ang sinisigaw nila, nang nakarating na siya sa unahan ay mas lalong nag sigawan at nag wala ang crowd, wow grabe bilib na ako sa isang to lakas ng kapit, pwede ka nang kumandidato bilang mayor.

Sa lakas ng cheer para sa kanya ay hindi pa siya muna nakapagpakilala inantay niya munang humupa ang mga sigawan.

"What a pleasant morning to each and every one of you, my name is Levy Cecilio F. Porcia, seventeen years old nagmula sa Tanauan Institute kong saan kahit saan tumingin nag gagandahan at nag gwagwapuhang mga dalaga at binata ang mapapansin!" Nag lapag pa siya ng isang killer smile kaya lalo mas nag wala ang crowd, well kahit ako nag wala na kaka cheer sa kanya, ikaw na talaga Lev! Support talaga kita pag nag mayor ka.

"Hoooo! Kaya mo yan, para sa grades Lev!" Natatawa kong sigaw at si mokong narinig pa nga kaya pasimple niya ako pinakyuhan kaya mas lalo lang akong na tawa loko to ah!

Sumunod namang tinawag ang school nina Emman naglakad na siya papuntang unahan hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa kanya, nagtatalo nga ang blue at yellow sa crowd mukhang pinaka madami talaga ang sumusuporta kay Lev at Emman, sila din naman kasi ang pinaka may itsura, I mean no offense sa mga ibang candidates.

"Nakakainis ka Eli! Meron palang color coding walang hiya ka, nakakahiya tayo dito puro naka blue tas tayo lang na ka yellow mukha tayong espiya dito eh" Natawa naman ako, aware ako sa color coding di ko lang talaga sinunod, bakit ba? Pake nila? Eh support ko din kalaban eh, balimbing ako bakit?

"Hayaan muna bagay naman sayo suot mo, mukha ngang di ka maka move on eh, yan din suot mo nong nag break kayo ah?" Tandang tanda ko pa yon, hinatak niya ako non samahan ko daw sya kikitain daw niya jowa niya so yon naging third wheel ako, umihi lang ako saglit pagbalik ko naiyak na siya sa dahilang nakipag break na daw like wth! Ang speed mas mabilis pa sa ihi ko.

"Epal bala ka nga diyan!" Pinagpatuloy na lang niya panonood niya, medyo tumahimik nadin ang crowd kaya naka pagpakilala na si Emman.

"Good morning everyone! Ako nga pala si Emman Luis Aguirre from the land of intelligence and elegance, Tanauan city high school!" Halo halong sigawan, palakpakan at tunog ng drums ang sabay sabay na narinig pagkatapos niyang mag pakilala, grabe kahit ata tumayo lang siya pagsisigawan siya, edi ikaw na pogi at famous, edi kayo na panalo.

Natapos ang pagpapakilala ng mga kalahok sa pageant, pina balik na sila sa backstage para maghanda sa susunod na portion ng laban ang talent portion.

May mga kumanta at sumayaw sa unahan kaya hindi nakakaboring ang pag a-antay, ng naglabasan na ang mga kasali nabuhayan ako bigla, tangina i'm so excited!

Unang tinawag ang pangbato ng Lily Rose rumampa sila bago sinetup ang mike sa stage hmmmm kakanta to, nakipag pustahan pa ako na kakanta sila pero nakakatangina lang bakit bigla tong tumula?! Sayang sampung piso ko walengya, bago to ah!

Hmmmm di ko kayo support natalo ako ng sampu dahil sa inyo, sumunod na tinawag ulit ang school namin, om!! Ang pogi ni Lev, sana all may itsura pumalakpak ako at hinintay sila ng kapartner niyang sumayaw, habang nanonood ako di ko napigilang humanga, ey! Dancerist din naman pala.

Once Upon a  Crush (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon