Chapter 28

110 9 1
                                    

Elijah Vera POV

Nagising ako ng makarinig na mga nag u-usap saking paligid, pag kamulat ko kay nakita ko agad ang mga kaibigan ko na parang may pinaguusapan ng mapansin nila na akoy gising na ay kanya kanya silang lapit sakin, bumangon ako at naramdaman na medyo masakit ang kanang paa ko, nagagalaw ko naman siya may kunti kunting kirot lang.

Nang maka upo ako ng ayos ay isa isa kung tiningnan ang mga kaibigan, pero may isang nakakuha ng atensyon ko, si Levy na may pasa sa gilid ng labi at medyo mapula pula ang pisngi katabi niya ang isang lalaki, si Two at sa tabi naman nito ay Dulce, naiisip ko tuloy kong siya ba yung sumalo sakin kanina sa hagdan nawalan ako ng malay kaya hindi ko na nakita kung sino man yon.

"Bruhilda talaga yang babaeng yan jusko! Kung hindi lang talaga ako napigilan nitong si Ceshiah ay baka nabalibag ko na yon pababa ng building eh! Kasura" Gigil na gigil na angil ni Carol, kita ko na sa leeg niya na galit na galit siya medyo mapula iyon, pinahinahon naman siya ni Aaron na nasa kanyang tabi.

"Kalma girl! Ipagpasalamat nalang natin na hindi malala ang nangyari kay Eli buti na lang dumating sina Levy at si Em—" Pinigilan ni Ceshiah si Aaron sa mga sasabihin niya pero huli na ang lahat dahil alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nitong Aaron, mukhang nandon din kanina si Emman.

Tumikhim ako para naman makuha ko ang atensyon nila at tumigil na sila sa pagtatalo.

"N-nasan ako?" Medyo mahina at malumanay kong pagkakasabi kung tutuusin talaga shocked pa ako sa lahat ng nangyari kanina, malinaw na malinaw pa yon saking isipan.

"Bakla nandito ka sa clinic ng school, sinugod ka namin dito kanina mabuti at papaalis palang ang nurse, nataranta kaming lahat ng malaglag ka sa hagdan tapos nawalan kapa ng malay buti na lang at nandito jowa ni Dulce tsaka si Levy at oh wag nyo na akong pigilan sasabihin kona, tsaka si Emman" Hindi naman ako nagulat dahil natunugan ko na nandito nga siya kanina ang kinagulat ko ay ang malakas na hampas ni Dulce kay Aaron, bumulong ito dito pero narinig ko pa din naman.

"Anong jowa, hindi ko boyfriend yan no!" Hinayaan ko na lang siya at kay Ceshiah at Julliana na lang tumingin alam ko na sila lang ang makaka pagsabi sakin ng matino kung ano ba talaga ang nangyari kanina ng mahimatay ako, mukha namang na gets nila kaya lumapit sila sakin at itinaboy si Aaron at Dulce na kaninang nasa tabihan ko.

"Anong nangyari? Si T-trisha?" Kinabahan ako sa pag bigkas nang pangalan niya may takot padin sa loob ko dahil sa ginawa niya kanina, Julliana glared at me, ano namang ginawa ko dito?

"Seryoso ka na niyan? Si Trisha pa talaga ang una mong tinanong? Pero well sige sabihin ko nadin, diba nandon nga si Emman siya yung nakasalo sayo, binuhat ka niya hanggang clinic tapos nagkagulo kaya ayon umalis siya at isinama niya si Trisha ng sabihin ng nurse na ayos ka na, nako girl! Nakakatakot ang papa mo Emman galit na galit" May pag chicka pa siya sa iba pa namin kaibigan na para bang wala ang mga ito kanina.

Lumapit sa tenga ko si Ceshiah at may ibinulong.

"Bago siya umalis nag away pa sila ni Levy kayo yon pareho silang may pasa" Napatinggin naman ako kay Levy na seryosong seryoso na nakatinggin sakin, naramdaman nila ang intensidad ng aming tinginan.

"Alam nyo guys mabuti pa sa labas na natin sila antayin tara bili muna tayo ng tuhog tuhog sa labas" Anyaya naman Che kaya nag kanya kanya na silang ayos ng gamit.

"Basta talaga tuhog tuhog ang bilis ng isa diyan hahahaha" Segunda naman ni Nina kay Che na alam naman naming lahat na double meaning, nang makalabas silang lahat at kami na lang ni Levy ang natira ay hindi ko na naman maiintindihan kung ano ba ang dapat sabihin o gawin ko, hindi siya nagsasalita pero seryosong seryoso naman siyang nakatinggin sakin, maya maya ay lumapit siya at umupo sa gilid ng kama na aking hinihigaan.

Once Upon a  Crush (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon