Epal's note:
Hi! Long time no hear! Medyo busy lang talaga! Almost three year or more na busy. Talagang di kinaya ng schedule ko. Naisingit ko lang ito sa kabila ng work time ko. Medyo may katagalan na ang draft na ito. In-update ko lang siya. At ito na nga ang resulta kahit paano. Muli, pasensiya na kung medyo sabaw ang kabanatang ito.
So, eto na ang patuloy na kuwento ni Liya at ng BAD LUCKS.
He's Dating A Panget
Written By ABJC
Ika-Labing Anim na Kabanata
Naikuyom ni Liya ang dalawang kamao. Handang-handa na niyang patikimin ng suntok ang tatlong mahahaderang babae. Lalong lalo na ang maarteng ex-girlfriend ni Apollo na si Iluminada Estrella. Kung makapanglait kasi sa kanya ang babae ay wagas. Ilang beses ba naman siyang tawaging panget nito. Iniumang niya ang kanang kamao. Handa nang ipadapo sa magandang mukha ng kaharap. Nakita niya ang matinding takot sa magagandang mukha ng tatlo.
"Oy, Panget!" anang tinig na nagpalingon sa kanilang apat.
Bumakas ang tuwa sa magagandang mukha ni Iluminada, Indigo at Violet. Mukhang dumating ang kanilang knight and shining armor. Ang guwapong-guwapo sa sarili na si Apollo Abrenica. Nasa tapat ng labasan ng pinto ng Restroom ang lalaki.
"A-Apollo!" bakas ang gulat sa mukha ni Liya. Naibaba ang kanang kamao niya. Nahiya tuloy siyang makita nito na akmang makikipagsuntukan. "A-Anong ginagawa mo rito?"
"Honeypie!" tuwang-tuwang nabigkas ni Iluminada ang pangalan ng ex-boyfriend. Mabilis na lumapit ito kay Apollo. Naiwan ang mga kaibigan na nasa loob ng banyo, kasama si Liya.
"Apollo! Our hero!" halos magkasabay pang sabi ni Violet at Indigo.
"Ikaw ang dapat kong tanungin, Liya, ano ang ginagawa mo rito?" Ang tanong ni Apollo na hindi alintana ang pagkawit ng braso ni Illuminada sa braso nito.
Nakasimangot na humalikipkip si Liya na naipikit ang mga mata. Halos salubong pa rin ang mga kilay niya. Hindi siya makapaniwala na naroon si Apollo. Naunsyami tuloy ang gagawin niyang turuan ng leksyon ang mga mahahaderang babae.
"Katatapos ko lang na umebak nang magsidatingan ang ex-girlfriend mo at ang mahahadera niyang alipores. They were insulting me." Uy, tama kaya ang English grammar ko? naitanong ni Liya sa sarili. Pero hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman para sa maarteng ex-girlfriend ni Apollo. Paano'y bukod sa ubod na ng arte ay napakayabang pa nitong umasta.
"Correction! Cupcakes for Apollo." maarteng wika ni Iluminada na pinatatama ang pagtawag niya ng ex-girlfriend ni Apollo rito. Nakataas ang kanang kilay pa nito na nararamdaman ang pagkainis kay Liya. Nakaangkla pa rin ito sa braso ng binata.
"Oh Gosh! Kaya pala ang bahu-baho kanina here. Kasi katatapos lang mag-poo ni panget." ang maarteng wika ni Indigo na inilagay pa ang index finger sa ilalim ng tungki ng ilong.
"Yuck! I can't imagine that we are here with panget," pasosyal na wika pa ni Violet na bahagyang lumayo sa kinaroroonan ni Liya. "Oh my God! Nahihilo ako! Nahihilo ako!" maarteng sabi pa nito na akala mo ay hindi makahinga dahil sa sikip sa loob ng rest room.
Hindi sinagot ni Apollo ang tanong ni Liya. Basta ang ginawa na lamang nito ay mabilis na kumawala sa pagkakaangkla ni Illuminada na biglang nagulat sa ginawa nito. Tuloy-tuloy na pumasok ang binata sa loob ng rest room at hinawakan ang kanang kamay ni Liya. Nagulat si Liya sa kanyang ginawa. Pero mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ni Liya. Hinila niya ito palabas sa loob ng Rest room. Nagpatianod na lamang sa ginawa niya si Liya kahit naguguluhan ito sa kanyang ikinikilos. Gusto niya lang ilayo si Liya kay Iluminada Estrella. Hindi pa nito kilala ang babae. Baka kung ano ang magawa ni Iluminada kay Liya. Hindi niya puwedeng pabayaan na magkaroon nang marahas na engkuwentro sa pagitan ng dalawang babae. Kahit kilala niyang matapang si Liya ay baka hindi nito kayanin si Iluminada. Knowing Iluminada, isa ito sa dapat na katakutan ng lahat ng kababaihan sa buong Pinagpala National High School. Hindi nila alam ang kakayahan nito.
BINABASA MO ANG
He's Dating a Panget - (On Hold)
RomanceNagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School na pinamumunuan ni Apollo Abrenica. Natalo na naman siya sa pustahan ng kanyang brotherhood. Kinakailangan niya tuloy magbayad...