Ika-Labing Pitong Kabanata

23 0 0
                                    

Nang hapong din 'yon ay mag-isang naglalakad sa karamihan ng mga naglalakad ding papauwing mga estudyante si Liya. Hawak-hawak nang mahigpit ni Liya ang school bag nang mapansin niyang nakatambay ang buong grupo ng Bad Lucks sa may bukana ng gate na bakal ng eskuwelahan. Tila may inaaabangan ang mga ito. Sino naman kaya ang mga inaabangan ng mga ito? Meron kaya silang nakaaway na hahamunin ng suntukan? Napatingin si Liya sa direksyon ni Apollo. Napansin niyang nakatingin nang diretso si Apollo sa kanya. Nakangiti sa kanya. Nanginig si Liya. Bakit naman ganoon makatingin sa akin ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Iniiwas niya ang tingin kay Apollo. Nabaling naman ang tingin niya kay Mamoru na nakatingin rin sa kanya. Nakangiti rin ito sa kanya. Ako ba ang nginingitian ni Mamoru? Napapilig ang ulo niya .Ayokong isipin na nginingitian ako ni Mamo-chan ko, sabi ko sa sarili. Huwag kang pasaway,Liya.Gusto ko sanang kiligin pero hindi ko magawa. Nang makalapit na siya nang tuluyan sa harapan ng  grupo ng Bad Lucks ay napagdesisyonan niya na  iwasan  niya muna ang mga ito. Naiinis pa rin kasi siya sa ginawa ni Apollo kanina, kaharap ang ex-girlfriend at mga kaibigan nito. Napahiya siya nang  bonggang-bongga sa mga ito. Pero parang wala lang ito kay Apollo. Kahit pa siguro si Mamoru ay iiwasan muna niya. Lalong-lalo na si Apollo na ayaw muna niyang makausap at makaharap. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob niya sa lalaki. Napaigtad siya nang marinig niya ang pagtawag ni Olaf.

"Hi, Liya! " Nakangiting wika ni Olaf sa kanya na kumaway pa. Parang batang nagpapansin sa kanyang crush.

"H-Hi... " Medyo garalgal na sabi ni Liya na napahinto nang lakad. Ano ang ginagawa mo, Liya? Akala ko ba ay iiwasan mo muna sila. Napabuntung-hininga muna siya bago hinarap ang grupo ni Apollo. Pero iniiwasan niyang magkrus ang landas ng mga mata nila ni Apollo. Iniiwas niya ang tingin rito. Hindi makahagilap nang tamang salita si Liya. Puro hi lang ang nasabi niya sa mga ito. Bakit parang naurong ang kanyang dila. Nasaan na ang kanyang tapang. Marahil ay naiwan niya sa kanilang bahay. Ewan ba niya bakit siya nagkakaganito? Napayuko na lang siya sa inasal niyang iyon.

"Anong nangyari sa iyo, me sakit ka ba?" Hindi nakatiis na lumapit sa kanya si Apollo. Takang-taka sa kanya. Alam nitong meron itong nagawang hindi maganda sa kanya kanina pero parang wala lang ito sa lalaki. Iyon ang ikinaiinis pa ni Liya. Mas kinampihan kasi nito ang ex-girlfriend at ang mga kaibigan nito sa kanya. Kung sabagay, sino nga ba siya? Isa lamang siyang panget sa paningin nito. Mas lalo tuloy siyang naiinis. Hindi na lang siya kumibo. Nanatili lang siyang nakayuko.

"Liya, puwede ka bang makausap kahit sandali lang. Pag-usapan natin kung may problema. " Alanganing ngumiti si Apollo sa kanya. Napapakamot pa ito ng ulo. "Tungkol lang ito sa nangyari kanina."

Itinaas ni Liya ang ulo. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Apollo. Tipid na ngumiti, sabay sabing "Ayos lang. Wala na sa akin 'yon." Sabay buga ng hangin. Oo, tutuo iyon sa kanyang sarili. Wala na iyon sa kanya. Sino ba naman kasi siya? Isa lang siyang panget sa paningin nito.

Napakunot-noo si Apollo. Hindi niya maintindihan si Liya. Ang inaasahan niyang gagawin nito ay aawayin siya o sisigawan. Pero nananatiling kalmado ang dalaga. Nawi-weirdohan tuloy siya sa ginagawa nito, sa pinakikita nito sa kanya.

"L-Liya... " Naghahagilap ng anumang sasabihin si Apollo pero hindi na niya naituloy nang marinig niya ang pagsalita ni Mamoru.

"Hi, Liya. Kamusta ka na?" Narinig ni Liya na  bati ni Mamoru na bahagyang ngumiti rin sa kanya. Naramdaman siguro nito ang tensyon sa pagitan nila ni Apollo. So, to the
rescue  sa kanya ang kanyang ultimate crush. . Ngumiti siya nang alanganin. Hindi niya alam kung anong mayroong lumukob sa kanya ngayon. Tila nakaramdam siya nang hiya ngayon sa lalaki. Ano bang nangyayari sa iyo,Liya? Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi ka naman ganyan kanina sa Library? Dati-rati naman ay hayagan ang pagkagusto niya sa half-filipino, half-japanese na lalaking iyon. Bakit ngayon ay tila isa siyang tupa na maamo? Ano bang nakain niya? E, nagmeryenda lang naman siya ng isang tuhog ng bananacue na inupakan niya ng lamon dahil sa inis na nararamdaman sa ginawa ni Apollo at ng ex-girlfriend nito sa kanya. Pero heto, tila nag-iba ang ihip ng hangin.

"Ah, eh, Liya..." Singit ni Apollo pero hindi pa rin nito maituloy ang sasabihin.

"Pasensiya na, Apollo, ah. Nagmamadali kasi ako. Inaaasahan ako ni Lola Iska ngayon na maaga akong uuwi." Sabi ni Liya na hindi na niya hinintay pang sumagot si Apollo. Walang paalam na binilisan niya ang lakad. Gusto na niyang makalayo pa sa grupo. Lalong-lalo  na kay Apollo. Hangga't maaari ay ayaw niyang ma-involve pa kay Apollo. Marami na siyang utang na loob sa lalaki. Mula sa pagpapaganda niya hanggang sa pangakong tutulungan siyang mapalapit kay Mamoru. Sa tingin niya, sapat na ang lahat na iyon para iwasan niya ang lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon