Ika-Labing Limang Kabanata

151 4 4
                                    

Epal's Note:

Enjoy reading! Maikli lang siya pero I think it's worth it naman na basahin - angpagongnaatuhor

IKA-LABING LIMANG KABANATA

"WAHHHH!" ang malakas na sigaw ni Liya.

Sa pagkakasigaw niya ay biglang pumasok sa kanyang silid ang kanyang Lola Iska. May dala-dala itong gulok.

"S-Sinong tangkang manamantala sa'yo, apo?" sabay tanong ni Lola Iska na inihanda ang kanyang gulok. Tila pinsan ito ni Andres Bonifacio na nakaporma sa isang pagsalakay.

"Tangkang manamantala agad lola?" tumaas ang isang kilay ni Liya. "Over-over naman kayo sa pag-react."

"E, bakit ka ba naman kasi sumisigaw nang malakas diyan?" ang tanong ni Lola Iska sa dalaga. "Ang akala ko tuloy ay napasok na tayo ng rapist at pagtangkahan ka na riyan."

"Ang OA ninyo lola ah!" umirap si Liya sa matanda sabay humalikipkip. Di pa nagkasya ay itinaas ang isang kilay na noon ay manipis na.

"Bakit ka ba kasi sumisigaw?" tumaas na ang boses ni Lola Iska at itinuktok sa bumbunan ng kanyang ulo ang walang talim na gulok. "Aba'y iniistorbo mo ang pagluluto ko sa kusina ah."

"Nagluluto eh? Eh, bakit gulok ang hawak ninyo?" tanong niya sa matanda.

"Ah eto ba... ha ha ha." Napatawa naman ang matanda. "Nadampot ko sa may kusina. Eto naman ang pinangluluto ko." Sabay pakita sa sandok na hawak ng kaliwang kamay. "Teka nga pala, ano bang nangyayari at nagsisigaw kang impakta ka?"

"Look at my face, lola?" itinuro ni Liya ang kanyang sarili.

Tumingin nang diretso si Lola Iska sa buo niyang mukha. Hinawakan ang kanyang baba. Isa-dalawa! Pinaglipat-lipat ito ng direksyon. Nandiyan na kabigin sa kaliwa o kaya ay sa kanan.

"Lola....ano ba 'yang ginagawa ninyo?" kunot-noong tanong ni Liya. Naroong itaas pa kasi ang kanyang chin. Tila may kung anong bagay na hinahanap ang kanyang lola sa kanyang mukha.

"Wala naman akong nakikitang kakaiba, apo," Ang nagtatakang wika ni Lola Iska. "Ayan o, andiyan pa rin ang Bulkang Mayon, ang Bulkang Pinatubo. Pati ang Mount Apo at Mount Arayat. Aba'y kumpleto silang lahat."

Pumiksi si Liya sa sinabi ng matanda. "Ang lola naman eh! Nagpapatawa na naman, hindi naman kalbo!" Sabay padyak sa sahig. Naku! Nakakainis!

Biglang nameywang si Lola Iska. "Eh ano nga ba ang problema hah, apo?"

"Di ninyo ba nakikita, Lola?" tanong niya sa matanda.

"Ang alin?" tanong ni Lola Iska.

"Mas naglakihan silang lahat," Ang mangiyak-ngiyak na wika ni Liya. "Look, here lola Iska," Itinuro ni Liya ang isang malaking pimple na nasa ibabaw ng tungki ng kanyang ilong. "Wala naman siya dati dito. Pero ngayon, meron na. Ang laki-laki at ang pula-pula pa."

"Tsk, tsk..." lumapit si Lola Iska. "Eh, alisin natin ang problemang 'yan." Bigla nitong tiniris ang kanyang pimple. Napasigaw si Liya sa sakit na nadama.

"Ang lola naman eh." Reklamo ni Liya sa matanda. "Ayan tuloy! Nagdugo siya."

"Tsk, tsk daming arte ng panget na ito, oo. Liya, makinig kang mabuti. If your problem is your face. Face your problem!" mariing wika ni Lola Iska. "Hala, sulong na sa baba. Maghilamos ka na at maligo kang mabuti. Sabunin mo ang buong mukha mo. Gamitin mo lahat 'yung mga pinamili ninyo ni Apollo kagabi."

"Opo! Ang lola ko talaga, OA!" bubulong-bulong na wika ni Liya. "Ang OA-OA!"

"Ansabe mo?" nagulat bigla si Liya sa pagsulpot ng kanyang lola sa unahan mula sa likuran.

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon