Prologue

322 12 7
                                    

Author's Note:

Makiki-epal lang po! He he he! Just as my promise kagabi. Heto na po 'yung sinabi ko na i-po-post ko ngayong gabi. Ang prologue ng "He's Dating a Panget." Kilalanin po natin ang gangsters wannabe group na "BAD LUCKS."

Well. this prologue ay inihahandog ko kay Maya Tala na isa sa mga magagaling na author here sa wattpad. :D

PROLOGUE

Sa isang bayan na kung tawagin ay Pinagpala, sa lalawigan ng Rizal, mayroong nag-iisang pampublikong eskuwelahan sa bayan na may limamput tatlong taon nang nakatayo, ang Pinagpala National High School. Sa tabi ng isang abandonadong building na malapit sa Gymnasium at katapat ng building ng fourth year high school, kasalukuyang naroon sa isang bakanteng class room na sira-sira ang isang grupo ng mga kabataang high school. Nagsisilbi itong sagradong headquarter ng grupong BAD LUCKS. Ito ay isang samahan o brotherhood. Isang wannabe gangster group na pinamumunuan ng kanilang leader na si Apollo Abrenica.

"BWA HA HA HA!TALO KA!" ang nakakalokong tawang demonyo ng sakang na si Mamoru kay Apollo.

Si Mamoru Kitagawa o Mamo-chan sa karamihan ay siyang tumatayong second leader ng BAD LUCKS. Silang dalawa ang huling naglaban sa kanilang larong pustahan. Nagkakatuwaan na naman ang grupong BAD LUCKS. Laging ganoon ang kanilang ginagawa sa tuwing makakaramdam sila nang pagkabagot. Ang larong "jack en poy" ang mas madalas nilang gawin bilang libangan at pustahan na rin. Ngayon, kasalukuyang natalo na naman ang leader nilang si Apollo Abrenica.

"FUCK! BULLSHIT!" napapamurang sigaw ni Apollo. Mas kilala siya naman ng lahat sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School bilang si Apol. "Di ba puwede nating ulitin ang laro? Mukhang dinaya ninyo na naman kasi ako eh,"

"Dinayang mukha mo!BAKA!" singhal ni Mamoru kay Apollo. Tinawag na naman niya itong istupido o isang hangal sa wikang hapones. Until now, hindi pa rin nito alam ang ibig sabihin niyon kahit ilang beses na niyang ipinaliwanag dito ang kahulugan ng salitang hapones na BAKA sa wikang tagalog. Ang akala lang nito ay sinasabihan na naman niya ito na lalaking may isang utak-baka. Tulad nang mga sandaling iyon, gaganti na naman ito ng tawag sa kamag-anak ni Yamashita.

"Oy, hindi ako utak-baka! Ikaw kaya ang utak-kalabaw!" sabay kutos ni Apol sa kanyang kaibigang sakang. "Dinadaya ninyo na naman akong lima eh." Saka siya lumapit kay Sakang saka kinuwelyuhan ito.

"Oy Apol, 'di ka naming dinadaya a!" napapakamot na wika ni Sakang sa kanya. "Ikaw naman kasi, simpleng laro lang natin, natatalo ka pa!"

Pinakawalan niya ang kaibigang sakang saka ikinuskos ang hinututuro sa ilalim ng tungki ng kanyang ilong. Mukhang nangangati na naman ang kanyang ilong. Kapag ganoon ang nangyayari ay nakakaramdam na naman siya ng pagkainis. Tulad nga ngayon, naiinis na naman siya sa buong tropa.

"Kasi naman, bossing, simpleng laro lang, ang tanga ninyo pang maglaro!" sambot naman ni Olap na siyang pinakabata sa grupo. First year high school pa lang ito sa eskuwelahang kanilang pinapasukan. Paolo Punongbayan ang buong pangalan nito. Anak ito ng kasalukuyang principal ng kanilang eskuwelahan, si Mrs. Filipina Punongbayan.

"Oo nga, bossing. Ang TANGA mong maglaro! " singit ng nakangising si Nicholas Tatlonghari o Niknok sa kanilang grupo. Pinsan naman ito ni Olap. Ito ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Eighteen years old na ito. Halos dalawang taon na rin itong bagsak sa fourth year. Laging naibabagsak ang mga subject na Science, English at Mathematics.

Kinuha ni Apol ang dyaryo na nasa ibabaw ng lamesa saka ito binilot na parang lumpia, saka niya ipinalo sa ulo ni Olap at Niknok. "UGOK! Sinong tanga ang sinasabihan ninyo ha? Oy, kayong dalawa, baka nakakalimutan ninyo, ako ang LEADER ninyo!"

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon