Ikaapat Na Kabanata

130 3 1
                                    

Epal’s Note:

Pasensiya na po sa update kong ito. Ito lang ang nakayanan ng tamad ninyong epal na author. Pilit na ginagaya ang kasikatan ng mga iba. Ha ha ha! Joke lang! Basta, nag-eenjoy po ako sa pagsusulat nito. Well, third person point of view ang gamit ko rito. Huwag po sana kayong malito. Naka-italics kapag ang nagsasalita ay ang mismong characters na tinutukoy doon. Ha ha ha ha ha! Para kay Jean_28july_galas ang chapter na ito. Enjoy readings. So, if you like this chapter, readers, just click the star button at the right side. Kung merong comments, mag-type diyan sa may comments box. Again, salamat sa sumusuporta ng walang kuwentang istorya na ito ng pinakamapanget na babae sa ibabaw ng lupa, si LIYA ESCABECHE.

Ikaapat Na Kabanata

“ANO ANG GINAGAWA NINYO?”  ang sigaw ni Miss Dyesebel Matimtiman Oo nga pala, bukod sa terror teacher na si Mrs. Mai Poque ay mayroon pang isa pang terror. Ang berdugo ng buong Pinagpala National High School. Siyempre, ang walang iba kundi ang Guidance Counselour na hindi nila malaman kung talaga bang Guidance Counselor o Guidance Police. Paano ba naman kapag may mga estudyanteng  nagkakakamali paminsan-minsan ay dinadala agad nito sa Guidance Office.

“Ay puk* ninyo, M-Ma’am Matimtiman!” nagulat na wika ni Liya nang mapalingon at makita ang kanilang Guidance Counselor na nakapameywang.

“Ang bastos ng bibig mo, Miss Escabeche.” Masungit na wika ni Miss Matimtiman.

“Sorry po, Ma’am Matimtiman.” Ang hinging paumanhin ni Liya. Ano ba itong nasasabi niya? Ang laswa ng bibig niya!

“Good Afternoon po, Miss Matimtiman!” magalang na bati naman ni Apollo.

“Good Afternoon po, Miss Matimtiman!”  magalang na bati rin ni Louise. Gumaya na rin si Liya sa dalawa. Nagbigay galang din siya sa guro.

“Anong ginagawa ninyo rito?” ang tanong ni Miss Matimtiman. “Ikaw, Liya, bakit ka sumigaw nang pagkalakas-lakas samantalang hindi pa tapos ang klase? Mabuti na lamang at nag-iikot ako ngayon sa building na ito.”

“E, kasi Ma’am, itong si Apol po e,” kakamot-kamot ang ulong wika ni Liya.

“O, anong kinalaman naman nitong si Apollo?” kunot noong tanong ni Miss Matimtiman  na itinaas-baba ang suot nitong malaking eye glasses na kasingkapal ng yelo sa North Pole ang lens.

“Kasi po…” nakagat ni Liya ang sariling labi. Hindi niya alam ang gagawin. Sasabihin ba niya kay Miss Matimtiman ang katotohanan o hindi? Kahihiyan niya ang nakasalalay dito. Saklap naman kasi talaga nang nangyari sa kanya. Ang makitaan siya ng pulang panty ni Apollo Abrenica. Pero, mabuti na rin lang at suot niya ang paborito niyang brand na Hello Kitty kesa nga naman ang maisuot niya ay iyong mga panty niya na nagkakahalaga ng fifty pesos na tatlong piraso. E, ang luluwag-luwag na kaya ng mga garter n’on. Buti na lang, suot niya ang paborito niyang panty na halos, isang araw lang sa isang linggo niya kung isuot. Napangiti siya nang lihim nang maisip iyon.

“O, anong iningingiti-ngiti mo riyan?” naguguluhang tanong ni Miss Matimtiman.

“Kasi po…” naputol ang gustong sabihin ni Liya nang biglang tanungin ni Miss Matimtiman ang bestfriend niyang si Louise.

“O, Miss Louise, ano ba ang talagang nangyari dito?” tanong ni Miss Matimtiman.

“E, Ma’am, kasi po, ito pong si Liya at si Apollo ay…” hindi na nagawa pang ituloy ni Louise ang gustong sabihin dahil sa inawat na siya ng dalawa.

Tinakpan ni Liya ang kanyang bibig ng kanang kamay nito. Namula si Louise nang maisip na ang kanang kamay na iyon ang kinaroroonan ng index finger nitong may kulangot kanina. Anak ng pusang gala naman! Wahhh! Amoy-kulangot ang kamay ni Liya! Gusto sanang isigaw iyon ni Louise na nagpipilit na tinatanggal ang kanang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Pero malakas si Liya. Hindi niya magawang maialis ang kanang kamay nito.  Ganoon din si Apollo na akala mo ay kasali sa Kapamilya Deal or No Deal sa kaka-ekis ng dalawang kamay nito.

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon