Epal's Note:
Pasensiya na po sa matagal na hindi pag-update nitong series na ito. TAMAD PO ang inyong lingkod. Bukod kasi sa busy sa work, ay abala rin po siya sa iba pang bagay. ^_^ So, eto na po ang ikalawang kabanata ng "He's Dating a Panget". Actually, naiinis ako habang nag-ta-type ako ng ikalawang kabanata ng kuwentong ito. Paano'y malayo ito sa unang ginawa ko. E, ang ENGOT ko kasi, parang character lang ng kuwentong ito. So, ang slow ko rin. Hindi ko kasi na-save 'yung original script nito kaya naiba ang takbo ng kabanatang ito. Saka, kung me mga typo error, pasensiya na rin po. So, SPG po itong ikalawang kabanata dahil sa maselang tema na hindi angkop sa mga below sixteen. :D
So, eto na po, para sa mga bagong mambabasa ko, sana po ay maibigan ninyo.
Ikalawang Kabanata
NAGMAMADALING TUMAKBO papanhik sa hagdanan ang magkaibigang Liya at Louise. Lakad-takbo ang ginawa nila sa kahabaan ng corridors na kanilang madaanan. Kinakailangan nilang makarating sa kanilang class room na nasa fourth floor. Kinakailangang mauna sila sa kanilang English teacher na si Mrs. Mai Poque. Kapag naabutan sila nitong wala sa kanilang klase ay tiyak na malalagot sila. Ayaw na ayaw pa naman nito sa mga estudyanteng palaging absent o kaya ay na-le-late sa klase.
Nang sa wakas ay marating nila ang fourth floor na kinaroroonan ng kanilang class room ay halos hingalin sila na parang kabayo. Talagang hinahabol nila ang kanilang mga hininga nang mga sandaling iyon. Hindi naman kasi biro ang walang humpay na pagtakbong ginawa nila mula sa first floor hanggang fourth floor, makarating lang sa kanilang class room. Nanggaling kasi sila sa library na nasa kabilang building na katabi lang ng building na kinaroroonan ng kanilang class room. Tumambay sila sa library nang oras ng kanilang Filipino 10 na walang guro na um-attend sa kanila.
“Hay salamat, nakarating din tayo,” Ang wika ni Liya bago tapunan nang pansin si Louise. “Anong oras na ba? Umabot ba tayo?” pagkuwa’y tanong niya sa kaibigan na sapo-sapo pa rin ang dibdib dahil sa matinding paghingal.
Tiningnan ni Louise ang kanyang wrist watch. “Naku, patay tayong dalawa! Lampas, ten minutes na kaya. Ikaw naman kasing panget ka e,” paninisi pa nito. “Ayan tuloy, na-late pa tayo dahil sa panunubok mo sa sakang na iyon,” reklamo pa nito sa kanya.
“Oy, mahiya ka nga sa balat mo,” pananaray ni Liya. “Hindi ko kasalanan na pumunta ka ng library ‘no? Malay ko bang male-late tayo? E, ang alam ko, tama lang ang oras nang pagdating natin. Look, eto, 1:50 P.M. pa lang sa relo ko.” Sabay pakita niya sa kanyang relong pambisig.
“Late kaya ‘yan,” sabi ni Louise sa kanya. “Palitan mo na ‘yang relo mong pamana pa ni Lapu-Lapu. Bumili ka kaya sa palengke ng bago, me mabibili ng relo sa halagang fifty pesos.”
“Oy, lukaret ka, pamana sa akin ni Lola Iska ‘to ‘no?” Sumimangot si Liya sa kaibigan.
Akmang papasok pa lamang si Liya sa loob ng class room ay nakaharang na sa kanilang daraanan ang nakapameywang na guro nila sa English 10. Ang kilalang terror ng buong Grade 10 level, si Mrs. Mai Poque.
“Where have you been, Miss Escabeche and Miss Dela Fuerte?” nakataas pa man din ang kanang kilay ni Mrs. Poque na tanong sa kanilang dalawa.
“Ay pasensiya na po, Mrs. Poque. Nanggaling po kaming dalawa ni Louise sa library sa kabilang building.” Ang nahihintakutang paliwanag ni Liya na nagkakamot ng ulo.
“In English please,” walang pagbabago sa expression ng mukha ni Mrs. Poque. Nanananatili pa rin na nakataas ang kanang kilay nito. Ang kanang kilay nito na halos nakalbo na at ginuhitan na lang ng eyebrow pencil. Idagdag pa ang nakaka-intimidated na dating nito dahil sa pagtaas ng sulok ng labi nito. Talagang nakakakatakot ang hitsura ni Mrs. Poque na akala mo ay handing kumain ng buhay na estudyante ng Pinagpala National High School.
BINABASA MO ANG
He's Dating a Panget - (On Hold)
RomanceNagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School na pinamumunuan ni Apollo Abrenica. Natalo na naman siya sa pustahan ng kanyang brotherhood. Kinakailangan niya tuloy magbayad...