Unang Kabanata

263 6 5
                                    

Epal's Note:

Eto na po ang unang kabanata ng "He's Dating a Panget" at pasensiya na po kung medyo natagalan. Sobrang madami po kasi akong ginagawa. Just like my promise sa bunso ko dito sa wattpad. Girl, sana magustuhan mo ito, lilsaint. :D Pasensiya na rin kung OA ang pagpapatawa ko dito ah. Eto lang ang kinaya ng IQ ko. :D

Unang Kabanata

SHE'S JUST NOBODY! In short, PANGET siya! Pero mas panget po si Eya  ng "Diary ng Panget" ni Ate Denny o mas kilala sa pangalan na HaveYou SeenThisGirl. Uy, joke lang! Magkaiba po sila ng level ng kapangitan ni Eya Rodriguez. Mas hamak po na mas maganda po si Eya sa kanya. Opo! Wala nang tatalo pa sa kapangitan niya! Tiyak na tunay! Opo, kung si Carmela ang pinakamagandang babae sa ibabaw ng lupa ay siya naman si Malia Escabeche, siya lang naman po ang pinakamapanget na babae sa ibabaw ng lupa. Ang saklap 'di po ba? PINAKAMAPANGET! Meaning, siya 'yung number one na panget sa buong bayan ng Pinagpala. Siya lang ang bukod tanging hindi pinagpala pagdating sa kagandahan. Marahil nang magsabog ng kagandahan si Lord sa lupa ay kasalukuyan siyang natutulog kung kaya wala siyang nakuhang kagandahan. Kung merom man siyang nasambot ay latak na lang ang natanggap niya. Ang natanggao nga niya ay ang kapangetan.

Baket ba nasabi na panget siya? Well, eto lang naman ang sampung dahilan na nag-uumapaw na mga katotohanan.

Una, bansot po siya! Nasa limang talampakan lang ang kanyang taas. Pangalawa, she looks like a nerd. Nagsusuot kasi siya ng salamin sa mata na katulad ng salamin ni Harry Potter.
Minsan nga ay tinatawag siyang four eyes. Pangatlo ay weird siya. Kakaiba ang trip niya. Secret lang natin ito. Mahilig kasi siyang makipag-usap sa kanyang sarili. Minsan pa nga ay nakikipagtalo pa siya sa kanyang inner self. Pang-apat. Mukha siyang manang. Seventeen years old pa lang siya pero kung magsuot siya ng pananamit ay parang nasa lumang panahon. Tinalo pa niya si Karen Carpenter sa get-up.
Panglima, baluktot ang English niya! Wala yata siyang confidence sa sarili sa pagsasalita ng english. English-carabao lang ang alam niya. Pang-anim, kulay tsokolate ang balat niya. Kaya minsan ay tinutukso siyang negra o ulikba. Panglima, tinatawag siyang bruhilda dahil sa buhok niyang makapal na parang alambre sa tigas. Pang-walo, Flat-chested pa. Hindi siya biniyayaan ng malaking dibdib. Buti pa si Ethel Booba, nagmamalaki ang dibdib. Para siyang elementary student. Pang-walo, bamboo shaped ang figure ng kanyang katawan. Ay naku, patpatin ang bruha. Parang katawan lang ng poste ng meralco. At ang pangsampu, NBSB. YUP! No boyfriend since birth ang lola ninyo. Lahat yata ng crush niya, nilalayuan siya, except that one guy, si ano....ayieee... mukhang kinikilig ang bruha. Sino 'yung crush niya na di siya nilalayuan? Ay naku, ayaw pang sabihin ni ate! Mamaya na yung name reveal ng crush niya.

O 'di ba, ang saklap-saklap talaga ng kapalaran niya. Her name is Malia V. Escabeche, ang isa sa mga pinakamapanget na estudyante ng Pinagpala National High School. Everyone called her, "Liya" na minsan ay tinatawag ring "Liha" mukha raw kasi siyang pang-linis na liha. Kung ang pangliha ay magaspang, ganoon din raw ang kanyang mukha. In short, panget siyang talaga! Ang nakakainis, dalawang taon na rin siyang bagsak sa Grade 10 sa junior high school. She's eighteen years old. And hopefully, sana last year na niya ito sa Grade 10 at grumadweyt na siya.

"Hay naku, nakakainis naman 'tong assignment namin sa English 10, ang hirap-hirap!" naiinis na wika ni Liya habang nagsusulat sa kanyang notebook. Kasalukuyan siyang nasa library nang mga oras na iyon. Pangalawa sa huli ang subject nila na Filipino 10. Wala silang pag-aaralan sa Filipino 10 dahil madalas na absent ang kanilang teacher sa English na mismong adviser pa nila. Kaya ang ending, inuubos niya ang oras sa pagbabasa ng aklat at paggawa ng mga assignments and school works sa kanilang library. Last period nila ang English 10. Mamaya pang 1:50 P.M. ang resume ng klase. Kaysa nga naman, magmukmok siya sa loob ng kanilang classroom, mas mabuti pang tumambay siya sa loob ng library. And beside, 'di lang siya naroon sa library para mag-aral, kundi ang lumandi. Opo, tama po ang narinig ninyo, nandoon siya para mag-pa-kyut sa kanyang long time crush na si Mamoru Kitagawa, ang second leader ng gangster wannabe na kilala sa pangalang BAD LUCKS. Tumatayo kasing assistant librarian student ang sakang na si Mamoru Kitagawa.

Tinigilan ni Liya ang pagsusulat sa notebook. Padabog niyang inilapag ang kanyang ballpen. Nakapangalumbaba na tumitig lang sa kinaroroonan ng crush niyang sakang na abala sa may counter.

"Hay naku, ang guwapo-guwapo mo talaga, Mamo-chan," tila nangangarap na wika ni Liya na nakatanaw lang sa abalang si Mamoru sa pag-aayos ng mga aklat sa counter. "Para kang si Tuxedo Mask ko!" Sa tuwing makikita niya ang half-japanese-half-filipino na lalaki ay naiimagine niya ang kapartner ni Sailor Moon na si Tuxedo Mask. Gandang-ganda siya sa mga singkit na mata nito.

"Sana, ligawan mo ako! Naku! Kapag nangyari 'yun, magpapa-fiesta ako sa buong bayan ng Pinagpala." Nangingiting wika pa ni Liya sa kanyang sarili. "Ay, naku, nangarap ka na naman, Liya." Inilipat naman niya ang kaliwang palad sa kanyang baba. "Naku! Magtigil ka nga, Liya. Hindi ka liligawan niyan, kasi panget ka. Asa ka pang panget ka!"

Dinalawa na ni Liya ang nakasapo sa kanyang baba. Malungkot na nakatingin sa hinahangaan niyang sakang. "Oo na, panget na ako! Huwag mo nang ipagdiinan pa, Liya."

"OY PANGET!" isang tinig ang nagpahinto sa pangangarap niya. Nang tumingala siya ay ang kanyang pinsan na bestfriend pa na si Louise Dela Fuerte ang kanyang nakita. Tulad nang dati, kung makapagsalita ito ng panget sa kanya ay wagas.

"Oy, alam ko 'yun. Huwag mo nang ipagsigawan pa." sumimangot siya sa sinabing iyon ni Louise. "Nasa library tayo, bawal ang mag-eskandalo dito 'no?"

"Nandito ka na naman hah, panget," natatawang sabi ni Louise na umupo na sa tabi niya pagkatapos ay tumingin sa tinitingnan niya. "Alam mo, kung ice cream lang 'yang sakang na iyan ay matagal nang natunaw 'yan sa kakatitig mo."

"Pakealam mo ba?" asik ni Liya sa kanyang pinsan. "Walang pakialaman ng crush, hindi kita pinakikialaman sa pagkakaroon mo ng crush kay Apollo." Ang tinutukoy niya ay ang leader ng Bad Lucks, si Apollo Abrenica. Ang kinatatakutan na leader daw ng BAD LUCKS. Parehas silang uma-idolized sa BAD LUCKS. Mas makapal nga lang ang mukha niyang pagsunod-sunod sa second leader ng BAD LUCKS.

"Speaking of Apol, nakita mo ba siya?" ang tanong ni Louise sa kanya. Numero uno kasi itong in-lababo sa leader ng BAD LUCKS. Kung makikita mo ang lahat ng notebooks nito ay puro may naka-insert na pictures ni Apollo Abrenica na puro kinuha nito sa instagram page ng lalaki. Naka-follow kasi ang lukaret niyang pinsan sa lalaking iyon.

"Ay naku, utang na loob, Louise, hindi ako tanungan ng mga nawawalang kalabaw, okey," tumaas ang makapal na kilay ni Liya. "Saka, puwede ba, wala akong pakialam sa Apollo mo, okey. Mas preferred ako kay Mamo-Chan ko."

"Tinatanong ko lang eh, nagagalit ka na diyan." Sumimangot din si Louise sa kanya dahil sa pagtataray niya. "Meron ka ba?"

"Meron!" asik ni Liya. "Kaya, shut up okey! Baka, i-freeze kita!"

"Meganon? Elsa lang ng Frozen ang peg?" tumaas ang isang kilay ni Louise pagkatapos ay tumingin sa relo. "Ay naku, five minutes na lang, magkla-klase na tayo sa English 10."

"More ten minutes pa, please." Sabi ni Liya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa guwapong mukha ng kanyang crush na sakang. Para sa kanya, hindi pa sulit ang pagsilay niya sa kanyang crush.

"Gaga! Hindi tayo puwedeng ma-late sa subject ni Mrs. Poque. Baka magalit na naman 'yon at masabon tayo." Sabi ni Louise na tumayo na at hinila ang kanyang kanang kamay. "Gusto mo bang paglinisin niya tayo ng buong corridor?"

"Ayaw!" mariing tanggi niya na hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa counter.

"Good!" sabi ni Louise na hindi binibitawan ang kanyang kamay habang hinihila siya. Napatayo tuloy siya sa kinauupuang silya nang haltakin nang mariin nito ang kanyang kamay. Pero bago siya magpatianod kay Louise ay sinulyapan pa niya nang huling sandali ang kanyang crush na sakang. "Bye, my-labs. Tsup!" she pouted her lips na parang nagbigay halik sa lalaki.

"Ay ang lande!" puna ni Louise. "Halika na!" lalo pang mas marahas nitong hinila ang kanyang braso palabas sila ng library.

"Sobra ka naman! Matatanggal na ang braso ko eh," asik ni Liya nang malapit na sila sa mismong pintuan ng library.

"Oo! Braso mong parang may kaliskis ni Dyesebel," tudyo ni Louise na binuntutan ng mahinang tawa.

"Gusto mo ng sapak, Louise." Naningkit ang dalawang mata ni Liya sa nadamang inis sa pinsan.

"Di ako lalaban sa boksingerang kamag-anak ni Manny Pacquao." Ani Louisse.

"Siraulo kang talaga!" Singhal ni Liya na napatingin sa kanyang mga braso. Ewww! Ang dry nga ng skin niya. Para tuloy mukhang may kaliskis ng isda ang kanyang balat. Mag-iipon na siyang talaga ng pambili ng lotion para gumanda at kuminis na ang kanyang braso.

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon