IKA-ANIM NA KABANATA
"HINDI KO GAGAWIN 'YON!" mariing tanggi ni Apollo sa buong grupo ng Bad Lucks. Kasalukuyan silang nag-me-meeting sa kanilang kinukunsiderang headquarter.
"Ang daya mo, bossing!" ang sabi ni Olap sabay labas ng dila. Umiral na naman ang pagkaisip bata nito. Palibhasa, first year high school student kasi.
"Well, kung ayaw mong gawin 'yun, bossing, pay us now!" nakangising wika ni Niknok na pinagkiskis pa ang mga palad. Mukhang sabik na sabik na makahawak na ito ng ganoong kalaking halaga ng pera. Hindi naman kasi biro ang five thousand pesos per head.
"Ugok!" sabay batok ni Apollo sa kaibigan. "Hindi pa ako nababaliw para bayaran kayo ng tig-li-limang libong piso 'no?"
"Ang daya mo naman, bossing e," piksi ni Olap. "Natalo ka kaya sa pustahan."
"E, ano naman kung natalo ako," humalikipkip si Apollo. "Di ko naman kasalanan kung matalo ako eh, dinaya ninyo ako 'di ba,"
"Well, tol, " umakbay si Mamoru kay Apollo. "Napag-usapan na natin 'yan last time 'di ba?" tumingin sa mga mata niya ang sakang na kaibigan. Nanunuot ang mga tingin na iyon. Haist! Bakit ba napakadominante ni Mamoru sa kanya. Para tuloy na lumalabas na mas leader pa nila si Sakang eh.
"Siya! Siya! Sige na! Payag na ako!" naiinis na wika ni Apollo. "Gagawin ko na ang task na pinag-uutos ninyo. Kapag nanalo ako't nagawa ko, kayo ang magbabayad sa akin ng tig-li-limang libong piso!"
"Bossing, makatarungan ba 'yun?" ang reklamo ni Olap.
"Makatarungan 'yon!" lumapit si Apollo sa pinakabata sa grupo at binigyan ng isang kutos sa bumbunan nito. "O, ano, payag ba kayo?"
"Deal!" wika ni Mamoru.
"Deal!" ani Apollo na tumingin sa iba pa niyang kaibigan sa grupo. Tumango rin ang mga ito, sabay sabing, "Deal!"
"Ayos! Ihanda na ninyo ang tig-li-limang libong piso ninyo pagkatapos ng tatlong buwan." Napapangising sabi ni Apollo habang pinalalagutok ang mga daliri sa kamay. Tiyak na ang panalo niya pagkatapos ng tatlong buwan.
Tulad nga ng kanilang napag-usapan. Kinakailangan niyang pagandahin ang isa sa tatlong pinakapanget na babae sa buong Pinagpala National High School, si Liya Escabeche. Hindi lang basta niya ito papagandahin kundi ang pasikatin din sa buong bayan ng Pinagpala. Hindi man sa buong lalawigan ng Rizal ay mapasikat man lang niya ito sa buong eskuwelahan. Tandang-tanda pa niya ang usapan nila noon nang matalo siya sa kanilang pustahan sa kanilang libangan, ang paglalaro ng jack en poy.
"WHAT?" halos manglaki ang mga mata ni Apollo sa narinig mula sa kaniyang kaibigang sakang. "Imposible naman ang sinasabi mo, 'tol!"
Napangiti si Mamoru sa nakitang reaksyon ni Apollo. "Ha ha ha! OA ka naman, 'tol! Madali lang naman ang gagawin mo eh,"
"Tama ba ang sinabi mo, Mamo-chan?" nakiki-Mamo-chan na rin ang tawag niya tulad ng pagtawag ng mga kababaihan at kabekihan ng buong Pinagpala National High School sa sakang. "Gusto mong pagandahin ko si Ronalea Escabeche?"
"Oo, 'tol!" seryosong wika ni Mamoru. "Gagawin mo iyon kaysa magbayad ka sa amin ng tig-li-limang libong piso."
"Teka, teka, eh, bossing, saka bossing number 2, pa'no 'yung pera namin?" sumingit sa kanilang usapan si Olap.
Tinakpan ng buong palad ni Apollo ang buong mukha ni Olap. "Wag kang epal, Olap, nag-uusap kami ni Mamo-chan."
"Seryoso ba kayo, tol?" sumingit rin si Niknok. "Parang imposible ang sinasabi mo, Mamoru?"
BINABASA MO ANG
He's Dating a Panget - (On Hold)
RomanceNagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School na pinamumunuan ni Apollo Abrenica. Natalo na naman siya sa pustahan ng kanyang brotherhood. Kinakailangan niya tuloy magbayad...