Ikalimang Kabanata

109 3 3
                                    

It was six years ago when she met that Japanese boy. Correction, that cute half-japanese, half-filipino boy. Hindi nga niya maintindihan ang kanyang sarili noong mga panahong iyon eh. Basta ang alam niya, gusto niya ang sakang na iyon. Bigla na lang naramdaman niyang umiibig siya sa lalaki. Sa kanyang pagkakaalam, hindi naman lingid sa lalaki ang malaking pagkakagusto niya rito.  Hindi nga lang yata nito pinapahalata sa kanya na alam nitong gusto niya ito. O kaya ay ipaalam sa iba na meron siyang gusto rito. Basta ang alam niya, gustong-gusto niya si Mamoru Kitagawa, ang tumatayong second leader ng Bad Lucks.

Tandang-tanda pa ni Liya ang lahat kung paano nagsimula ang lahat. Ang pagkahumaling niya kay Mamoru Kitagawa.

Nasa ikatlong taon na siya sa Pinagpala National High School nang magsalubong ang landas nila ni Mamoru. Nasa ikatlong taon na rin siya na hindi napapansin sa eskuwelahan. Bakit nga ba siya nobody? Well, she’s so very ugly. Napapansin lang siya ng mga estudyante sa Pinagpala National High School dahil sa kanyang kapangitan.

Unang araw ng pasukan. Buwisit na buwisit si Liya sa mga first year students. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga freshmen students? Pa’no’y pinagkakatuwaan siya ng mga ito. Pagpasok pa lamang niya sa bakal na gate ng Pinagpala National High School ay akala mo meron siyang sakit na nakakahawa kung tingnan ng mga freshmen. Naroon na marinig niya ang malalakas na bulungan ng mga ito. Sa madaling salita, binu-bully siya ng mga ito.

“Ay sino siya?” ang tanong ng isang batang babae na halatang freshman student dahil sa suot nitong ribbon sa white blouse nito. Kapag ang ribbon ay kulay green, nangangahulugan na first year ang mga ito. Dilaw naman ang ribbon ng mga second year, ang mga third year ay aqua blue, samantalang, red naman kapag fourth year. “Ang panget niya!”

“Grabe. Parang magaspang na semento ang mukha niya.” Wika naman ng isang baklitang estudyanteng freshman.

“Oo nga, grabe ang kapangitan niya,” sabi naman ng isang babaeng maikli ang buhok. “Ngayon lang ako nakakita nang ganyang kapanget, mas panget pa ke Fiona,” tinutukoy nito ay ang ogre character na princess sa pelikulang Shreik.

“Buti natanggap pa si ate sa school na ito a,” wika nung isang batang lalaki. “Wala bang eskuwelahan ng mga panget at napadpad siya rito?”

“E, ito lang naman ang nag-iisang eskuwelahan sa buong bayan ng Pinagpala ‘di ba?” sabi naman ng isang batang lalaki.

Hay naku! Nakakainis itong mga bubwit na ito ah! Sarap silang pagsasampalin ng kaliwa’t kanan kong mga palad! Gustong isigaw sana iyon ni Liya sa mga freshmen na wagas kung makatingin nang masama sa kanya. Ngayon lang ba sila nakakita nang ganito kapanget? Grabeh ah, gusto kong magpa-party! Hump! Sobrang inis na ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi na niya napigilan ang sarili. Hinarap niya ang mga ito.

“Oy mga bubwit kayo! Mga hinayupak na walang galang na mga freshmen students!” nakapameywang na sabi ni Liya sa mga ito. “Kung wala kayong magawa sa buhay ninyo, huwag kayong makialam sa buhay nang may buhay! Tse!”

“Oy, panget,  di ka namin, nanay para sermonan mo kami!” sabi ng isang freshman student na lalaki.

“Aba’t sumasagot ka pa sa nakakatanda ah,” lumapit si Liya sa batang lalaki. Sa inis niya, hindi niya napigilan ang sarili na hablutin ang kuwelyo nito. “Oy, alam kong panget ako, pero ang panget na ito ang magtuturo sa iyo kung paano gumalang sa nakakatanda at sa babae.”

“Ay babae pala siya!” ang narinig niyang wika ng baklita na kanina pa niya kinaiinisan dahil sa may dalawang paru-parong ipit ito sa  maikling buhok nito. “Ang akala ko, beki rin na tulad ko. Ayieee!”

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon