Ika-Labing Isang Kabanata

58 4 0
                                    

Epal's Note:

Pasensiya po kayo, eto lang ang na-keri ng powers ko. Sana ay magustuhan naman po ng mga nagbabasa. Sa mga new readers ko, sana po ay bumoto rin kayo per chapters. Ganoon din  po sa mga nagbabasa na nito dati pa. Vote wisely. :D

So eto na po, hindi ko na kayo ibibitin.....

IKA-LABING ISANG KABANATA

Anak ng tipaklong naman, oo! Napapamura na si Apollo nang wala pang dumarating na Liya Escabeche sa tapat ng Mc Donald ng Mall of Pinagpala.  4:15 P. M. na until now, wala pa rin ang anino ng panget na iyon. Panay ang sulyap ni Apollo sa relong pambisig niya.  Hindi na nga siya sumama sa activity ng grupo niya dahil alam ng mga ito na inuumpisahan na niya ang task ng mga ito na pagandahin si Liya Escabeche. Hindi nga makapaniwala ang ibang member ng grupo ng Bad Lucks na mapapapayag niya si Liya nang mag-usap sila, fifteen minutes na ang nakakaraan. Natatandaan pa niya ang conversation nilang anim.

“Ows, talaga, bossing, napapayag mo ang panget na iyon?” tanong ni Niknok sa kanya.

Nakangiting u-moo lang siya.

“Lopet mo bossing!” tinapik siya ni Olap sa balikat. Mukhang napalakas yata kaya tiningnan niya nang masama ang lalaki. Nakapikit na nag-sorry sa kanya ang lalaki.

“Well, eksaktong three months ang usapan hah,” ani Mamoru sa kanya. “O, pa’no guys, mauna na ako. Naghihintay pa sa akin si Mama,”

“Woosh! Umiral na naman ang pagka-Mama’s Boy mo,” sabi ni Apollo kay Sakang.

“Sira!” ang sabi ni Mamoru sa kanya. “Goodboy lang ako keysa sa inyo.”

“Weeh, di nga?” sabi ni Niknok.

“Sige, goodluck sa’yo, Apollo,” wika ni Mamoru.

“Ihanda ninyo na ang twenty five thousand pesos ninyo after three months,” pahabol na sigaw ni Apollo.

“Second leader, sasabay na rin ako sa’yo, gusto kong makita si Keiko eh,” humabol sa pagtakbo si Olap kay Mamoru. Si  Keiko Kitagawa ang bunsong kapatid ni Mamoru na nililigawan ni Olap.

“Mauna na rin ako, guys,” sabi ni Tristan. “Tutulungan ko pa si Tatay sa tindahan eh,” well, me malaking Grocery Store sa Palengke ng Bayan ng Pinagpala  sina Tristan. Tumutulong ito ngayon sa tindahan dahil kulang sila sa tauhan. Wala pang nakukuhang kapalit ang mga magulang nito na katulong sa tindahan.

“O, ikaw, wala ka bang lakad, Resty?” tanong ni Apollo.

“Wala naman! Pero balak kong magpunta ng National Bookstore, titingin ako ng mga bagong novels ni Dean Koontz at Michael Chriton,  kaya mauna na rin ako sa’yo, bossing,” sabi ni Resty.

“O, ikaw? Baka me gagawin ka rin, kaya umalis ka na rin,” ang sabi ni Apollo kay Niknok.

Sumaludo si Niknok kay Apollo. “Geh, bossing, mauna na rin ako. Matutulog pa ‘ko eh.Tee-he he he,”  kumaripas na rin ito ng takbo.

MGA IMPAKTO TALAGA ITONG MGA KA-MEMBER KO NG BAD LUCKS. Walang kuwenta talaga! Ibig sabihin, ako lang talaga ang gagawa sa task na ito. Tsk. Tsk. Matapos ko lang ang task na ito, humanda kayong lima sa akin. Lalo na ikaw, Mamoru, ma-i-in love ka kay Liya! Ngising demonyo na naman si Apollo nang maiwan siyang mag-isa sa loob ng Mcdonald.

Merong lumapit na isang  fast food chain crew sa kanya. “Sir, o-order po ba kayo, wala na po kasing maupuan ang ibang customers eh,”

“Mukha ba akong hindi oorder hah?” nagsalubong ang kilay ni Apollo sa narinig. Pinalalabas yata ng crew na ito na wala siyang pambili ng pagkain. Sa guwapo niyang iyon, napagkakamalan siyang pulubi. That nerve! Nakakainis naman na pang-iinsulto sa kanya iyon.

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon