Ika-Pitong Kabanata

84 4 5
                                    

Epal's Note:

Tinopak lang ako guys kung kaya nakagawa ako at nakapag-post ng new chapter ng "He's Dating a Panget," di ko kasi puwedeng balewalain. Baka humulagpos sa isipan ko 'yung tinatakbo ng kuwentong ito para sa kabanatang ito. At eto nga, isinilang ang "Ika-Pitong Kabanata." Pero, mag-enjoy na po kayo, kasi bale, dalawang chapter ang na-post ko ngayong araw na ito. ^_^ So, sa mga bago pa lang na nagbabasa ng aking story na ito. Sana'y maibigan ninyo po. And pa-plug lang po ng mga stories ng friend ko dito sa wattpad. Try ninyo rin pong basahin ninyo ang mga gawa ni Mejahyalou (dating FallenMaya, MayaTala) Magaganda po ang gawa niya. 

1. Ang Kalokohan Ni Pag-ibig ---->http://www.wattpad.com/story/6976587-kalokohan-ni-pag-ibig

2.Misyon Malabo: Make Mr. Gangster Fall In Love Again ----> http://www.wattpad.com/story/8046373-mission-malabo-make-mr-gangster-fall-in-love-again

3. Ako si Cinderella'ng Panget -----> http://www.wattpad.com/story/3157862-ako-si-cinderella%27ng-panget

At marami pa pong iba... her user name: http://www.wattpad.com/user/MejahyaLou

So, eto na po ang pagpapatuloy ng ating kuwento. Kahit wala pa sa 50 votes yung last na offer ko. Para sa inyo pa rin iyan, my silent readers at sa mga nag-add nito sa RL nila. Thanks sa suporta ninyo.

IKA-PITONG KABANATA

“HOY! ITIGIL MO IYAN!” ang sabi ng isang tinig na nagpalingon kay Mamoru at Patrick. Kasabay nang paglingon nila sa nagma-may-ari ng tinig ay nagulat si Mamoru sa nakita. Naroon kasi ang buong grupo ng Bad Lucks.

“Apollo!” ang namutawi sa bibig ni Mamoru. “Narito kayong lahat, guys!” nasa likuran ni Apollo ang kanyang mga ka-grupo. Kumpleto lahat, si Niknok, Olap, Tristan at si Resty.

Nanglaki ang mga mata ni Patrick sa nakita. “Anak ng puch* naman oo,” napamurang wika nito na dumura pa ng laway. “Nandito na ang lahat ng Bad Lucks.”

“Ayos!” natutuwang sabi ni Mamoru nang lumapit na sa kanya ang kanyang grupo. Makakatulong si Apollo at ang iba pa para mailigtas nila si Liya sa grupo ng Good Vibes. Well, ang grupo ni Patrick at ang grupo ni Apollo ang dalawang  gangsters wannabee na nag-aagawan sa pagiging number one gangster sa buong bayan ng Pinagpala.

“Okey, guys! Puwesto na, ala-Power Rangers!” nakangising wika ni Apollo na inihanda na niya ang kanyang four finger fist ring. Nagkilusan na ang buong grupo. Kanya-kanya ng puwesto. Nag-pose na ito na parang Super Sentai lang.

“Red One!” sigaw ni Apollo.

“Green Two!” sigaw naman ni Resty.

“Blue Three!” sumunod na sumigaw si Tristan.

“Yellow Four!” sigaw naman ni Niknok.

"Purple Five!" pa-cute na sigaw ni Olap.

Sumigaw naman si Mamoru kahit parang asiwa sa gagawin. Kakaiba naman kasi ang trip nitong si Apollo. Mahilig manood ng Power Rangers mula pagkabata. Ina-apply pati sa pakikipagsagupaan. “Black Six!”

“Kami ang Bad Lucks!” nag-pose ala Power Rangers ang anim.

“Bwa ha ha ha ha!” Humagalpak naman ng tawa si Patrick. Nagtawanan na rin ang ibang member ng Good Vibes. “Ha ha ha! Power rangers lang ang peg? Mga bakla ba kayo, Bad Lucks?”

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon