Epal's Note:
Good mornyt, mga Ka-LIYA AT APOLLO!!! Tee he he! Well, tulad po nang sinabi ko sa huling kabanata nitong kuwentong ito, ang susunod na chapter ay ihahandog ko sa isa pang nagbigay ng magandang kuwento sa atin, ang walang iba kundi si Ms. SGWannaB na talagang nagpaiyak sa atin at nagpakita nang wagas na pag-ibig sa kanyang nobelang "She's Dating The Gangster," ...sa tutuo lang, napaiyak ako matapos na basahin 'yung kuwento ni Athena at Kenji. Ayokong magbigay ng spoiler tungkol sa "SDAG" basahin ninyo na lang kung di ninyo pa nababasa, basta ang GANDA-GANDA! Saka best-seller ang "SDTG" ng POP FICTION ng Summit. :D Well, again, kung mapapansin ninyo, me resemblances ang mga name ng characters ko sa characters ng dalawang novels. Talagang sinadya ko iyon, iyong Ronalea aka "Liya" kay Eya Rodriguez ng Diary Ng Panget. Iyung Escabeche ay masarap kasing ulam. Si Athena ay alam naman natin na Roman goddess, so ganun din ang character kong si Apollo na isang Roman god. Iyong Abrenica, kasi ang ganda ng apelyido ni Aljur. Bwa ha ha ha ha ha! (^o^)
So, eto na po ang pagpapatuloy ng kuwento ng buhay-pag-ibig ni Liya Escabeche at Apollo Abrenica. :D
IKA-SIYAM NA KABANAYA ESTE IKA-SIYAM NA KABANATA
Sa school library ng Pinagpala National High School. Gaya nang dati, nag-cutting classes na naman si Liya sa kanyang Filipino IV time. Tutal naman ay wala na naman ang kanilang teacher sa Filipino IV na si Mrs. Bernadette Bulalacao. Ganoong oras kasi naroon ang crush niyang si Mamoru. Nag-pa-part time ito bilang student assistant librarian ni Miss Serafina Alufihan, ang school librarian. Dalawang beses sa isang buwan kasi ang serbisyo ni Mamoru sa library. Hindi naman kasi puwedeng lagi itong naroon. Mas importante pa rin sa lalaki ang regular classes. Extracurricular activity lang naman iyon. Nabibigyan siya ng extra grades sa subject na English IV dahil sa pag-a-assisted niya sa library. Tulad nito, pangalawang beses na iyon sa buwan ng Hulyo.
“Hay naku, bakit kaya wala pa siya?” kanina pa tingin nang tingin si Liya sa kanyang relo. Pasado ala una singko na ng hapon pero wala pa ring Mamoru na nag-aasist sa librarian na si Miss Alufihan. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niyang hirap na hirap na ang matandang dalaga na librarian sa pagsasalansan ng mga aklat sa lamesa. “Hindi naman siya absent. Nakita ko naman kanina siya sa school canteen. Ang pagkaka-alam ko, schedule niya ngayong araw na ito na mag-assist kay Miss Alufihan.”
Sobrang pagkainis na ang nararamdaman ni Liya nang mga sandaling iyon dahil dumating na ang 1:25 P.M. ay hindi pa rin dumarating si Mamoru sa school library. Naiinis na inilabas niya ang isang notebook na kulay pink na may logo ng Hello Kitty. Padabog niya itong inilapag sa lamesang inookupahan niya. Naagaw niya ang pansin ng librarian sa ginawa niya. Napatingin ang matandang dalaga sa kanya. Tiningnan siya nito nang masama pero hindi na nagsalita. Itinuro na lang nito ang nakapaskil sa dingding na ‘Please Silence’. Napapahiyang humingi ng paumanhin si Liya saka isinubsob ang ulo sa pagsusulat sa kanyang notebook.
Narinig niya ang mga bulungan ng ilang mga estudyanteng babae at beki. Hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang sinabi ng mga ito.
“Kyah!!! Ang guwapo niyang talaga!” pabulong lang iyon pero parang malakas na radio na narinig iyon ni Liya.
“OMG! Hihimatayin ako sa kaguwapuhan niya!” Well, talagang guwapo siyang di hamak keysa sa mga nagsusulputang teenager actors diyan, anang isip ni Liya.
“Ow sh*t na malagkit! Nalalalaglag ang panty ko sa kanya!” Wala akong panty. Nabutas na nga eh! Oy, joke lang ‘yun ah, sa isa pang bahagi ng isip ni Liya. Winnie Da Pooh ngayon ang tatak ng panty niya.
BINABASA MO ANG
He's Dating a Panget - (On Hold)
Любовные романыNagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School na pinamumunuan ni Apollo Abrenica. Natalo na naman siya sa pustahan ng kanyang brotherhood. Kinakailangan niya tuloy magbayad...