Epal's Note:
Tulad ng pangako ko ke LilSaint25, dear, eto na ang karugtong na chapter ng "He's Dating a Panget". Sana ay magustuhan mo.
Well, magkakasunod po ang lahat. Inapat ko na agad. Nag-taping na kasi kami dahil baka ma-busy ngayong Holy Week. Kawawa naman ang mga artista ko dito sa novel na ito. Bwa ha ha ha! Me sapak ang author ninyo ngayon, pasensya na.
IKA-SAMPUNG KABANATA
NAPAPIPIKIT NANG MARIIN SI LIYA. Nararamdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ni Apollo sa kanyang kanang kamay. Napapatangay tuloy siya sa pagsunod kay Apollo. Ow sh*t na malagket! Anong gagawin niya sa akin sa headquarter nila? Sh*t! Sh*t! Ma-re-rape ako nito! Hindi puwede! Hindi puwede! Virgin pa po ako ‘no?
Nang maipasok siya ni Apollo sa loob ng headquarters ng Bad Lucks ay ibinalibag nito ang pintuan. Iginiya siya ni Apollo sa isang silya at pilit na pinaupo.
“O, diyan ka!” para siyang robot na sunod-sunuran sa sinabi ni Apollo. Hawak pa nito ang magkabila niyang balikat. Napakagat-labi si Liya. Naghihintay sa susunod na gagawin ni Apollo. Goodbye sa pagka-virgin ko! Hu hu hu! First time ko po ito, Lord! Huwag sanang masakit! Anang bahagi ng isip ni Liya. Nagsimulang pagpawisan siya at tila gustong tumulo ng kanyang luha sa kanyang mga mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Apollo.
“T-Teka, bakit naiiyak ka?” kunot-noong tanong ni Apollo sa kanya.
“Re-rape-pin mo ‘ko ‘di ba?” bumulalas nang iyak si Liya. “Wala kong laban sa’yo?”
“Re-rape…..” hindi na naituloy ni Apollo ang sasabihin. Natapik nito ang sariling noo. Saka napamura nang malakas, “Anak ng tipaklong naman, Liya! Wala akong balak na pagsamantalahan ka! Nahihibang ka ba?”
“Hindi mo ‘ko re-rape-in?” halo-halo ang emosyon ni Liya. Tumigil ang pag-iyak niya.
“Ay susme, anak ng tipaklong! Inulit pa niyang talaga.” Napapalatak na wika ni Apollo. “Liya! Huwag ka ngang ambisyosa!”
Umakyat ang init ng dugo sa ulo ni Liya. Sukat sa pagkakarinig sa huling sinabi ni Apollo ay napatayo siya.
“Ang kapal ng mukha mong kurimaw ka!” binigyan niya ng isang malakas na suntok si Apollo. Gumulong ang lalaki sa lakas niyon. Pinilit tumayo ni Apollo na hawak-hawak ang nagdurugong ilong.
“Oy, panget, ang kapal ng mukha mong suntukin ako, alam mo ba iyon?” mukhang demonyo na si Apollo na galit na galit kay Liya.
“Oy, mas makapal ang mukha mo!” ganting singhal ni Liya. “Para namang sinabi mong walang magtitiyaga na rape-in ako,”
“Wala nga,” sabi ni Apollo na bumalik sa dating wisyo. Hindi na siya mukhang demonyo. Para na ito ngayong isang anghel na nagpipigil ng tawa.
Lalong nagsalubong ang kilay ni Liya. “Kurimaw ka talaga! Ang yabang mo! If I know, pinagnanasaan mo ‘ko?”
“Kelan ‘yon, hah, panget?”
“Nang mabunggo mo ako sa hagdanan at nang makitaan mo ako ng..”
“Hello Kitty na pink na panty?” humagalpak nang tawa lalo si Apollo. “Hindi ko ma-imagine na nagsusuot ka ‘nun, panget.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” asik ni Liya. “Sa lahat ng lalaking nakilala ko, ikaw ang pinakamakapal ang mukha, alam mo ba?”
BINABASA MO ANG
He's Dating a Panget - (On Hold)
RomansaNagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National High School na pinamumunuan ni Apollo Abrenica. Natalo na naman siya sa pustahan ng kanyang brotherhood. Kinakailangan niya tuloy magbayad...