Ika-Walong Kabanata

85 3 4
                                    

Epal's Note:

Well, naisipan ko lang na i-dedicate kay HaveYouSeeThisGirl ang kabanata na ito. Una, di ko po siya close. Bituin na siya, bwa ha ha ha. Tala ako. Joke. Langgam lang ako. Di ko po feeling maki-FC. Gusto ko lang talaga na ihandog ito sa kanya. Kasi dahil sa gawa niyang "Diary ng Panget" ay naisilang itong "He's Dating a Panget". Next chapter naman ke Ms. SGWannaB, na naging inspired din ng story na ito. Anyway balik tayo ke Ms. Denny, favorite ko 'yung gawa niyang "Diary ng Panget" simple lang kasing magsulat si Ms. Dennny pero malakas ang impact.  Well, sana, mabasa mo po 'yung story ko... mabasa ninyo man o hindi po ay salamat pa rin. Kasi ay isa ka sa mga nakaka-inspire sa mga aspiring writer here sa wattpad. Sana rin ay marami ka pa pong isulat na novels. More powers, Ms. Denny. M

Okey, balik na tayo sa kuwento, sa mga nag-add nito sa RL nila... naku, maraming maraming salamat po. :D

IKA-WALONG KABANATA

“ANO?” halos manglaki ang dalawang butas ng ilong ni Liya sa kanyang narinig mula sa labi ni Louise. “Gagawin ko ‘yon?”

“Oo! Gagawin mo iyon.” Tumango-tango si Louise.

“Talaga bang gagawin ko ‘yon?”

“Oo! Iyon lang ang paraan para mapansin ka ni Mamo-chan.” Ang sabi ni Louise.

“Mamo-chan ko!” singhal ni Liya na akala mo ay dragon dahil tila dragon ito nang mga oras na iyon na naglalabas ng usok sa ilong.

“Okey, okey, Mamo-chan mo pala, tee- he he,” napapangiwing sabi ni Louise. “Pero seriously, ate Liya. Effective ‘yun.”

“Pa’no mo naman nalaman aber?” inayos pa ni Liya ang kanyang suot na eye glasses. Ang labo kasi ng sinasabi ni Louise. Kasing labo ng lens ng suot niyang salamin.

“Tutuo ‘yon! Ganyan ang love story ni Papa at ni Mama,” ang sabi ni Louise kay Liya.

“Tsk, tsk, tsk… kaya pala nagkahiwalay si Tito Piolo at Tita Kaycee.” Tinutukoy ni Liya ang mga magulang ni Louise. Nagkahiwalay ang dalawa. Si Tito Piolo, nagpunta na ng Italy at nakapag-asawa ng isang mayamang Italyana. Sabagay, hindi naman kasi kasal si Tito Piolo at Tita Kaycee kaya ayos lang. Si Tita Kaycee naman ay nag-ta-trabaho sa Maynila at meron na ring boyfriend na halos kalahati ng edad nito. Minsan lang sa isang buwan umuuwi si Tita Kaycee sa bayan ng Pinagpala. So, naiwan si Louise sa pangangalaga ni Lola Dikya. Si Lola Dikya ay kapatid ni Lola Iska. Meaning, mag-pinsan si Louise at Liya kung kaya, nakiki-Tita at Tito siya sa mga parents ni Louise. Iyong bunsong kapatid ni Louise, actually, ampon lang ni Lola Dikya. Napulot lang sa tabi ng Simbahan ng Pinagpala. Kaya nga ang pangalan ng kapatid ni Louise ay isinunod sa pangalan ng kanilang patron, si San Sebastian. Kaya ang  pangalan ng bata ay Sebastian na may palayaw na Baste.

“Ay naku, basta gawin mo na lang ‘yun, ate Liya.” Susog ni Louise na nagpatuloy na sa pagwawalis ng mga basura sa tapat ng bahay.

“Sure ‘yan a,” ani Liya. “Itatali kita sa gitna ng estatwa ni Pinagpala sa eskuwelahan kapag hindi nagtagumpay ang plano mo.” Tinutukoy niya ay ang rebulto ng matandang gobernador ng Pinagpala na siyang pinanggalingan ng pangalan ng kanilang bayan, si Epifanio Pinagpala, na isang mayamang negosyante na tumakbo bilang gobernador at nagtagumpay sa larangan ng pulitika, isang daang taon na ang nakakaraan.

Binelatan lang siya ng pinsan niyang si Louise. “Kamusta si Baste?” pagkuway tanong niya sa kanyang pinsan.

“Mabuti-buti na rin. Bumaba na ang kanyang lagnat. Nakainom na siya ng gamut na nadelihensya ni Lola Dikya sa bayan. Mabuti nga’t marami siyang nailakong kakanin kanina.”

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon