Ikatlong Kabanata

130 6 6
                                    

Epal's Note:

Pasintabi po sa mga menor de edad. Ang bahaging ito ay may maselang tema na hindi angkop sa menor de edad. Kinakailangan po ng patnubay ng mga magulang. Isa pa, ito po ay fictional. Ang anumang pagkakahawig ng mga pangalan sa tunay na buhay ay hindi ko po sinasadya. Lubha lang po akong naaaliw sa kanila. So, sana po ay magustuhan ng mga ilang readers ang kabanatang ito. More chapters to come pa po. :D ABANGAN PO NINYO ANG IBA PANG KABANATA.

Ikatlong Kabanata

LIYA! APOLLO!” ang sigaw ni Louise na takot na takot sa nangyari sa dalawa. Kitang - kita niya kung paano gumulong pababa ang dalawa sa hagdanan.

Nasapo ni Apollo ang kanyang baba na halos sumubsob sa semento. Masakit ang pagkakahulog niya mula sa hagdanan na dala ng babaeng nakabangga niya. Hindi niya napansin ang babaeng nakasalubong niya sa hagdanan na siyang dahilan kung bakit nananakit ang kanyang katawan mula sa pagkakahulog sa hagdanan . Muntikan nang masira ang kanyang guwapong mukha sa pagkakasubsob niya sa semento. Buti na lang, hindi napingasan ang kanyang nakakasilaw na kaguwapuhan. Naisangga niya ang kanang kamay sa semento kaya hindi tumama ang mukha niya sa semento. Nakapikit siya kung kaya hindi niya napansin ang babaeng nakabulagta sa kanyang harapan. Nang dumilat siya ay halos manglaki ang kanyang mga mata sa tanawing nakabungad sa kanya. Namula ang buong mukha niya sa tanawing nakita.

WHAT THE F*CK? Totoo ba itong nakikita niya? Nakatambad kasi sa kanya ang kulay pulang panty na suot ng babaeng nakabungguan niya. Nakabukaka kasi ang babae na nakatihaya sa pagkakahiga sa semento. Nakabulagta ang babae. Ang masaklap pa ay napatitig siya sa kulay pulang panty ng babae. Nahagip pa ng makasalanan niyang mata ang brand ng panty ng babae. Hello Kitty ang tatak. Kitang-kita niya ang mukha ni Hello Kitty sa panty nito. Anak ng pandesal! Paborito pa niyang kulay ang suot na panty ng babaeng nakabulagta. Oy, Apollo, maghunos dili ka! What wrong with you, Apollo? Kastigo ni Apollo sa sarili. Gusto niyang murahin ang sarili dahil sa pasaway na isang bahagi ng kanyang isipan. Lihim siyang natutuwa  sa tanawing nasisilayan. Halos limang segundo lamang ang pagkakatitig niya rito pero parang tatlumpung minuto na iyon para sa kanya. Napaka-akward nang puwesto nila. Nakadapang nakaharap siya sa babaeng parang manganganak ang ayos sa pagkakahiga. Naramdaman na lamang niya na kumilos ang babae. Inayos nito ang palda.. Natakpan na ang maselang bahagi na hindi dapat makita. Nakaramdam nang pagkapahiya si Apollo kaya mabilis siyang tumayo mula sa pagkakadapa. Hindi na niya inisip kung ano ang susunod na mangyayari. Nang makatayo  ay mabilis niyang iniabot ang kanang kamay sa babae. Tinanggap naman iyon ng babae. Sabay hila niya sa kamay nito ay mabilis na nakatayo na rin si Liya. Nang makita ni Apollo na mukhang ayos naman ang babae ay tunalikod na siya at nagsimulang lumayo sa kinaroroonan nito. Tila walang anumang nangyari na tuloy-tuloy itong naglakad palayo.

Mabilis namang bumaba ng hagdan si Louise na  lumapit kay Liya na namumula ang buong mukha.

Liya, ayos ka lang ba?” tanong ni Louise sa kanya.

Tila walang naririnig si Liya sa sinasabi ni Louise. Nananatiling nakatingin si Liya sa papalayong lalaki na kanina ay nakabungguan niya sa hagdanan. Naalala niyang bigla ang tagpo nila kung saan lumislis ang kanyang palda.

OH MY GOD! NAKITA NIYA! NAKITA NIYA ANG PANTY KO! Gustong umiyak sana nang malakas ni Liya pero hindi na niya nagawa pang maisatinig ito. AT ISA PA, HINDI LANG PANGKARANIWANG LALAKI ANG NAKAKITA SA KANYA SA NAKAKAHIYANG SITWASYON. Ang nakakita sa kanya ay ang leader ng gangster wannabe na BAD LUCKS, ang kilalang siga at heartthrob ng  buong Pinagpala National High School, si Apollo Abrenica.

OH HINDI! ANG SAKLAP NAMAN NG BUHAY KO! Tila gustong tumulo ng luha ni Liya sa nararamdamang pagkapahiya. Halos makita niya ang buong kaluluwa ko! Maiiyak na sana si Liya pero nagawa niyang pigilan ito. Suminghot-singhot si Liya. Hindi siya iiyak. Oh hindi! Hindi ko matatanggap ito!
Kailangang i-save niya ang kanyang pride. Kailangang hindi siya mapahiya. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Hinabol niya ang papalayong si Apollo. Nang maabutan niya ang lalaki ay kinalabit niya ito na naging dahilan para lumingon ito.

He's Dating a Panget - (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon