Chapter 3

236 5 0
                                    

Chapter 3

GABI na at nandito lang ako sa kwarto ko. Nakatingin lang ako sa kisame at iniisio pa rin ang nangyari kanina.

"Lona, kumain ka muna." sabi ni ate.

"Ayokong kumain." sabi ko.

"Anna Louise, lumabas ka dyan at kumain. Nakamove on ka na."

"Mamaya na ako kakain. Tinatamad akong ngumuya." sabi ko.

Narinig ko syang tumawa. Ipinikit ko ang mata ko at agad akong nakatulog.

NAGISING ako ay alas dose na ng madaling araw.

Naligo muna ako at nagsuot ng oversized shirt at leggings.

Lumabas ako ng kwarto. Nagtungo ako ng kusina at walang pagkain. Di ako tiniran.

Dahil wala akong magagawa kaylangan kong bumili sa labas. Ayoko naman magluto kahit ng hotdog.

Kinuha ko yung susi ng kotse at bumaba.

PAGKADATING ko ng 7/11 ay yung sisig yung binili ko. Gusto kong magtipid tsaka miss ko nang kumain ng gantong pagkain kahit na gutom na gutom ka na kaylangan mong magtiis dahil sa sobrang rami ng tape.

Nakatitig lang ako sa labas habang kumakain. Bumili din ako ng kape dahil mukhang masaya magikot ng gantong oras.

Pagkakain ay bumalik ako sa kotse. Pumunta ako sa isang parke. Naupo ako sa swing at ngumiti.

Hindi ko alam pero bigla akong umiyak. I remember yung mga plano ko sa magiging anak ko. But all of that plan disappered when she died. Hinawi ko ang mga luhang tumutulo galing sa aking mata.

Bumalik ako sa kotse at nagdrive. Hindi ko alam kung bakit sa bahay ako nila Kurt nagpunta. Alam ko dito parin sila nagi-istay dahil ayaw daw ni tita na tumira sa ibang bahay sila Kurt. Kay ate ko narinig yun.

Kumuha ako ng papel at ballpen at may sinulat duon.

Lumabas ako at inilagay iyon sa mailbox. Tulog yung guard na nagbabantay.

Pumasok ako sa loob ng kotse. Ginawa kong kumot yung jacket ko dahil balak kong matulog dito.

NAGISING ako dahil may kumatok sa bintana ng kotse. Tinignan ko yung nasa bintana. Binaba ko yung binta dahil hindi ko naman kilala yung nasa labas.

"Mam, pakiusod po yung kotse nyo. Nakaharang po kasi kayo sa gate." sabi ni manong guard.

"Oh, sorry. Hindi ko kasi napansin." sabi ko.

Iniusod ko yung kotse ko. May lumabas na kotse sa gate. Hindi ko alam kung kaninong kotse iyon. I think it's new.

Maya maya pa ay may lumabas na bata. It's a beautiful little girl. Nalungkot ang mukha ko ng sumunod na lumabas ay si Frida at hinawakan ang kamay ng batang babae.

"Fury, wait lang natin si daddy dito ha." rinig kong sabi ni Frida dahil bukas ang bintana ko.

"Okay mommy!" masiglang sabi nung Fury.

Mau isang kotse ang lumabas at pumasok ang dalawa duon. Nang mesyo nakalayo na ang sasakyan ay sumunod ako.

HUMINTO ang sasakyan nila sa dati naming school. Dito kami nagaral apat. Ako, si Kurt, si ate, at si Vince.

Lumabas ng kotse si Frida at Fury. Sumunod naman si Kurt. Nasa malayo ako habang tinatanaw silang tatlo.

Pumasok sila sa loob ng iskuwelahan. Halos lahat ng batang babae ay dress dress habang yung mga lalaki naman ay nakasuot ng button down longsleeve polo.

I'm Inlove with My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon