Chapter 8

169 4 1
                                    

Chapter 8

Masyado akong lutang pagkagising ko.

What if Kurt heard what I and manang talked.

"Hindi pwede!" sigaw ko.

"Huy Lona, anong problema mo?" tanong ni ate kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala. May iniisip lang ako." sabi ko.

"Nako Lona, sya nanaman iniisip mo." sabi nya.

"Gago, hindi." sabi ko.

Malakas syang tumawa. Dumating na sila daddy sa dining.

Humalik sya sa pisngi ko at nginitian ako.

"Good morning." bati ni tita.

Ngumiti lamang ako sa kanya.

Nagulat ako ng biglang lumapit si Fury sa akin at kumandong.

"Tita, what are you eating?" she asked.

"Biscuit and coffee. Why?"

"I want coffee din po." sabi nya.

"Hindi pwede sayo. Kapag big girl ka na." sabi ko.

Hinalikan ko sya sa pisngi. Napatingin ako kay Kurt kaya agad akong nagiwas ng tingin.

"HINDI ka magsi-swimming, Lona?" tanong ni manang.

"Mamayang hapon na po. Mamaya na din po kasi magsi-swimming si ate eh." sagot ko.

Pinapanood ko si Kurt at Fury na gumagawa ng sand castle.

Naiingit ako sa kanila. Gusto kong sisihin si Fury kaso aning magagawa ko? Nabuo sya sa wala sa oras.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon. Kumunot ang noo ko dahil Unknown number yun.

"Hello? Sino toh?" tanong ko.

("Na-aalala mo pa ba ako?") tanong nung nasa kabilang linya.

"Tanga ka ba? Kaya nga tinatanong kita kung sino ka tas tatanungin mo kung naaala kita." inis na sabi ko.

("Dave.")

"Dave? Yung lalaking nasa gate?"

("Oo.")

"Paano mo nakuha yung number ko?" takang tanong ko.

("May nahulog kang calling card nung nagkita tayo.") sabi nya.

"Ah, okay. Ano namang kaylangan mo?"

("Magusap tayo.") sabi nya.

"Bakit?"

("Ang dami mong tanong. Basta magkita tayo.") sabi nya.

"Sige. Pagbalik namin sa Maynila." sabi ko at binaba na yung tawag.

NANG-MAGHAPON na ay inaaya na ako ni ate na mag swimming.

"Sandali lang. Magpapalit lang ako ng damit." sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng banyo at nagpalit ng high waist two piece swimsuit.

Nagsuot muna ako ng robe at bumaba na.

"Lona, may dala kang sunblock?" tanong ni ate.

"Nasa taas. Hindi ko nakuha." sabi ko.

Pumasok sya sa loob ng bahay at kinuha yung sunblock.

Naupo muna ako sa beach lounge chair.

"Lona, lagyan mo nga yung likod ko." sabi ni ate.

Nilagyan ko ng sunblock yung likod nya. Iniabot nya sa akin yung sunblock at ako na ang naglagay.

"Huy lagyan mo yung likod ko!" sigaw ko kay ate pero tumalon na sya.

"Ako na maglalagay sayo." napatingin ako sa likod ko.

"Wag na." sabi ko.

Nagulat ako ng kunin nya yung sunblock. Ibinaba nya yung robe sa likod ko.

Inihawi nya yung buhok ko at inilagay iyon sa kabilang side ng balikat ko.

Naestatwa ako ng dumikit ang palad nya sa likod ko.

"Wag mo ng lagyan, Kurt." pigil ko sa kanya.

"Nalagyan ko na. Wag ka ng gumalaw." sabi nya.

Pagkalagay nya ng sunblock sa likod ko ay iniabot nya sa akin yung sunblock.

"Thank you." sabi ko.

"You're welcome." sabi nya at nginitian ako.

Nagiwas ako ng tingin. Tumayo ako at inilapag yung sunblock sa upuan.

Tumalikod ako sa kanya at hinubad yung robe ko.

Inilapag ko sa upuan yun.

"Gagi ka Lona. Ngayon lang kita nakita na nagsuot ng ganyan!" sigaw ni Vince.

I raised my middle finger kaya malakas syang tumawa.

"Hoy may bata!" sigaw ni Vince.

Nagulat ako ng bigla aking hatakin ni ate.

"Gagi kailan ka bumili ng ganyan?" tanong ni ate.

"Last year pa. Ngayon ko lang susuotin." sabi ko.

"Tignan mo si Kurt. Titig na titig sayo." bulong nya sa akin kaya napalingon ako kay Kurt na agad na nagiwas ng tingin.

"Hindi naman." sabi ko.

"Edi huwag kang maniwala." sabi ko. "Tignan mo si Frida."

"Ate, napaka-bully mo." sabi ko.

"Ay parang hindi ginawa dati. Mas malala nga sayo eh." sabi nya at malakas na tumawa.

"Dati lang yun." sabi ko.

LUMALANGOY ako palayo kay Vince dahil nilulunod nya ako.

"Ano bang problema mo?!" natatawang tanong ko.

"Wala lang. Namiss lang kasi kitang inisin. Limang taon akong walang iniinis." sabi nya.

"Wow! Alam ko bago ako umalis ay may jowa ka." sabi ko at nagtaka ako dahil biglang nagbago emosyon nya. "Break na kayo?"

"Wag mo ng paalala yun. Ako naman kasi may kasalanan kung bakit sya umalis." sabi nya.

"Mapanakit ka din pala." sabi ko at malakas na tumawa.

"Hindi ko sya sinaktan. Sobrang baba lang ng dahilan namin pareho. Nagkasawaan nalang siguro." sabi nya.

Hindi na ako nagsalita.

Nagsawa. Ganyan din siguro nangyari kay Kurt. Nagsawa sya sa akin kaya sya naghanap ng iba.

--------

I'm Inlove with My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon