Chapter 7

180 5 1
                                    

Chapter 7

"Naging masaya ka ba sa desisyon mo, Lona?" tanong ni tito.

"Masaya ako dahil nakita ko na ang tatay ko pero masakit pa rin na makita sya na may kasamang iba." sabi ko at uminom ng wine.

Kaming dalawa lang ni tito sa may veranda at sila tita ay nasa sala.

"Kaylangan mong tanggapin yun Lona." sabi nya at tumingin sa akin. "Diba sinabi na sayo ng lolo mo na, wag kang maniwala sa isang pangako kung nararamdaman mong hindi naman kayo para sa isa't isa. Kaya madaming takot sa commitment, kasi para sa kanila hindi din nila matutupad yung pangako nila."

"Pero bakit nung sinabi nya sa akin yun, naramdaman ko na kami para sa isa't isa." sabi ko.

"You can say that Lona, because that time you're very inlove witg him." sabi ni tito.

Mahina akong tumawa. "Wag na nga nating pagusapan yun. Bumabalik lang lahat ng sakit." sabi ko.

Bumalik na kami sa loob. Naglalaro si ng Scrabble na apat habang si tita ay pinapanood lang sila.

"Deborah, what the fuck is that word?" tanong ni Ruth.

"Ruth, words!" suway ni tito.

"Dad, look what Deborah put." sabi ni Ruth. "It's bitch."

Napakamot nalang sa noo si tito. Masyado nilang binaby si Deborah kaya lumaking bitchesa.

"AALIS na kami tito." paalam namin ni ate.

"Ingat kayo." sabi ni tito.

"Bye!" sigaw nung tatlo.

Tulog na si tita kaya hindi na kami nakapagpaalam sa kanya.

NGAYON kami aalis ngayon para sa bakasyon. Ala sais palang ng umaga, gusto ko maaga kaming umalis para hindi traffic.

Ang gagamitin na sasakyan ay yung van nila daddy.

Kasama na din namin si tita Mila.

I'm wearing a white shirt and maong short. Nagsuot din ako ng bohemian beach coat.

"Tignan mo si Kurt, tingin ng tingin sayo." bulong ni ate.

Tinignan ko si Kurt na nagiwas kaagad ng tingin.

Umiling nalang ako at pumasok sa loob ng van. Sa may pinakadulo ako naupo.

Nagsuot ako ng earphone at nagpatugtog nalang. I'm sleepy kasi alas tres na ako nakatulog.

NAGISING ako na nakaunan na ako sa balikat. Napatingala ako at nagulat ako dahil si Kurt yun.

Agad kong inalis ang ulo ko sa balikat nya. Mukhang nagising na din sya sa ginawa ko.

Napatingin ako dahil huminto na yung sasakyan.

Dito kami sa Laguna nagpunta. May private resort si tito dito kaya dito nalang kami.

Nakita ko na sa picture toh pero si ate nakapunta na dito nung umuwi sya para magbakasyon.

Bumaba kami sa van.

"Ate, nandito ba si manang Nena?" tanong ko.

Si manang Nena ay yung katulong na nagsasama sa akin sa doktor dati sa Spain. Pinadala sya ni tito dito sa Pilipinas para bantayan nalang yung resort at may matuluyan na din dito sa Pinas dahil wala itong pamilya.

"Kanina pa naghihintay yun dito." sabi ni ate.

Tumango ako. Kinuha ko yung maleta ko at naglakad na patungong bahay.

Kumatok ako sa may pinto at napangiti ako dahil si manang Nena ang nagbukas nun.

"Hija!" masiglang sabi ni manang at yumakap sa akin.

"I missed you." bulong ko.

"Ayos ka na ba? Nung huli tayong nagkita ay patapos na ang therapy mo." sabi nya.

"I'm okay now manang. Namiss ka nga din ni doc nung nagpunta ako ng hindi ka kasama." sabi ko at mahinang tumawa.

NASA loob na kami ng bahay.

Nasa kwarto ako ngayon nagaayos ng damit ng biglang pumasok si Fury duon.

"Tita, pwede na bang magswimming?" tanong nya sa akin.

"Yes baby." sabi ko. "Bakit sa akin ka nagpapaalam?"

"Naguusap po kasi daddy and mommy." sabi nya.

Tumango lamang ako. Lumabas na sya ng kwarto ko.

"ALAM na ba ng ate mo?" tanong ni manang sa akin.

Nakatayo kami pareho sa may buhanginan at dinadama ang ihip ng hangin.

"Kaylangan pa ba nila malaman?" tanong ko.

"Lona, walang sikreto ang hindi nalalaman. Mas maganda na sa iyo na manggaling kesa sa iba." sabi nya sa akin.

"Wala naman na yun manang. Tapos na lahat ng yun. Magaling na ako." sabi ko.

Hindi nalang ulit nagsalita si manang.

Ayoko ng balikan yung nangyari sa akin nung nasa Spain ako. Yung bansang yun ang nakakita ng lahat ng paghihirap ko.

"Lona, manang, kakain na!" sigaw ni ate.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. Tanghalian na at si ate ang nagluto.

KINAGABIHAN ay hindi ako makatulog dahil sa sinabi sa akin ni manang kanina.

I don't want to tell them my secret. Malaman man nila sa iba wala na akong pake. Malaman nila edi congrats.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nagpunta ako sa kusina at nagulat ako dahil nandun si Kurt at umiinom ng kape.

Hindi ko sya pinansin at kumuha ng tubig. Ininom ko yun ng hindi tumitingin sa kanya.

Aalis na sana ako ng magsalita sya.

"Are you okay now?" tanong nya.

"What do yo mean?" kunot noong tanong ko.

Tumayo sya at lumapit sa akin.

"Nothing." sabi nya at iniwan ako sa may kusina.

I blinked twice and I realized what he said.

He heard me and manang talking about my problem before?!

-------------

I'm Inlove with My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon