Kakaibang damdamin

1.1K 24 17
                                    

Kakaibang damdamin

sweetblues025

Kapag nakikita kita hindi ko maipaliwanag ang nadarama

Tila ba may paru-parong nagsasayawan sa aking sikmura

Lumulukso ang puso kapag ika'y aking nasisilayan

Naninikip ang dibdib, 'yan ang aking nararamdaman

Natutuliro, nalilito iyan lang naman ang iyong epekto

Hindi alam kung bakit sa iyo ako'y parang na-enkanto

Lahat sila ay nagugulat sa reaksyon ko sa'yo

Basta tungkol sa'yo ako'y biglang napapalukso

Hindi ba nila alam na ako ay nahihirapan?

Akala ba nila dadamin sa'yo ay nagugustuhan?

Hindi ako makatulog kapag ika'y aking naiiisip

Patawarin mo ako pero hindi talaga ako mahilig sa ipis

Alam kong hindi mo ginusto, at wala kang masamang intensyon

Kaya patawarin mo ako, kapag nakikita ka'y tumataas ang presyon

Minsan humahantong sa masamang sitwasyon

Hindi mapigilan ang sarili na gumawa ng aksyon

Bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon?

Sa simula palang sana ika'y aking naiwasan

Hindi sana'y payapa at walang nasaktan

Maniwala ka, ginawa'y aking pinagsisihan

Inspirasyon : IPIS        

****************************

AN:  Bigla lang pumasok sa isip ko, kung bakit, ewan ko.

Ito'y isang tula na hindi makata, kaya pag bigyan kung maraming hindi tama ^^,

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon