MARLINI
sweetblues025
Ano ba ang aking ilalagay, wala talaga akong maisip
Bukod sa katotohanang parehas tayong takot sa ipis
Ang tili ko nga lang ay halatang mas matinis
Pero ang pisngi mo ay di hamak na mas makinis
Madalas kang manggulat kaya minsan ay nakaka-inis
Kapag wala ka naman, hindi maiwasan na ika'y ma-miss
Paano'y wala akong kasamang kumain at umuwi
Wala ring nakikinig sa mga panlalait at panunuri
Madalas ka 'man nilang sabihang madaldal
Alam naman namin na ikaw ay masasandalan
Sikretong ibabahagi ay iyong iingatan
Kadaldalan lang minsan ay hindi maiwasan :P
Pero palagi kang nandiyan kapag ikaw ay kailangan
Mga sikreto kong malupit iyo namang iningatan
Matalas ang mata sa mga guwapong nilalang
Madalas tayong mag kasundo sa ganyang bagay kaibigan
Madalas mo nga lang kaming ipag-palit sa'yong kasintahan
Hinihiling pa rin namin na kayo'y mauwi sa simabahan
Alam naming 'di biro ang hirap na pinagdaanan
Upang ang kaligayahan ay iyong makamtan
Marlini, Marlini, oh mumunting binibini
Pasensya na kung minsan ako'y bingi
Salamat sa iyong pananatili sa aking tabi
Sana ikaw ay makasama namin palagi ^^,
**************
AN: nauubusan na ako ng ideya ^^, please enjoy ^^,
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry