GRASYA

198 11 4
                                    

GRASYA

Sweetblues025

Maligayang kaarawan sa’yo aking kaibigan

Sa araw na ito sana’y mapuno ka ng kagalakan

Kaya naman ibaba mo na ang iyong kilay

Pula at hindi itim ang dapat mong kulay

Salamat sa mga ngiting hindi ipinag-kait

Sa mga payo mo sa akin at pang-lalait

Oo na, ikaw na talaga ang puno ng kagandahan

Hindi lang panlabas, kundi pati iyong kalooban

Sana hindi lang araw at buwan ang bibilangin

Mananatili sa tabi kahit masama ang iyong tingin

Sasabayan ko nalang ang iyong mga topak

Hindi ka rin makakatikim sakin ng sapak

Magulo na ba masyado itong tula para sa’yo?

Pag pasensyahan mo na, mana kasi sa amo

Kailangan ko pa bang sabihin ang mga bagay na ito?

Alam mo naman na ako’y palaging nasa tabi mo

Hindi mo ko maaasahan pero nandito pa rin ako ^^,

3.5.2015      03:50 am

*****************

AN: Happy birthday to you, you belong to the zoo, like the monkey, like the donkey, the gorilla is you! :P

haha. kahit may writer's block ako ngayon nakagawa pa rin ako ng tula, kung tula ngang matatawag 'to ^____^

Heypi Birthday! More birthdays to come and God bless you always ^^,

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon