Gago ka
sweetblues025Alam kong sa paningin ninyo ako ay masaya
Tuwing nakikita ninyo, ako'y palaging nakatawa
Pero sa likod ng mga ngiti, damdamin na kay pait
Kapag nakikita kitang kasama siya, o anong sakit
Hindi ka naman bangin pero ako ay nahulog pa rin
Kasalanan mo kasi, bakit ka ba ngumiti sa'kin?
Ngiting ang sarap burahin gamit ang aking kamao
Pero hindi ko magawa, sa halip ay napangiti din ako
Bwiset kang gago ka, anong ginawa mo sa akin?
Kapag nakikita kita parang gusto kitang saksakin
Gamit ang pana ni kupido, para ika'y mahulog na rin sa akin
Dahil mapagbigay man, ang puso ko'y sakim rin*************************
AN: ginaganahan si aketch
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry