SUGAL

143 10 9
                                    

SUGAL

sweetblues025

Naiinis sa sarili,

Kaduwagan ang sanhi

Kung sinabi ba’y sasaya

O sa dilim ay mag-iisa

Hindi ako sumubok kaya talo

Hindi naisip na baka manalo

Walang magawa kundi mag-sisi

Bakit hindi ako nagbaka-sakali

Ang mahalaga ika’y masaya

Hindi nga lang ako ang kasama

Pero sa bawat ngiti sa’yong labi

Sugatan ang puso ko’t ikaw ang sanhi

Sa iyong tabi pinilit manatili

Dahil lihim kitang minimithi

Pero sa tabi ko ika’y lilisan

Babalik na sa iyong katipan

Nakalimutang ako’y isa lamang kaibigan…

3-16-2015

02:03

**********

They said love is a gamble, don’t be afraid of failure

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon