PAG-ASA

180 11 10
  • Dedicated kay my savior
                                    

PAG-ASA

sweetblues025

Hindi ko alam kung paano magpapasalamat Sa'yo

Buhay ko'y nagbago buhat ng Ika'y makilala ko

Ang puso kong sugatan ay pinaghilom Mo

Luha sa aking mga mata ay pinahid Mo

Bago Kita makilala pakiramdam ko ako'y bulag

Wala akong makita bagamat alam kong ako'y dilat

Sa madilim na kuwarto pilit hinahanap ang ilaw

Nang dumating Ka, sa Iyong liwanag ako'y nasilaw

Ang magulo kong buhay ay Iyong inayos

Sa puso'y naramdaman ang mainit mong haplos

Ako'y tila isang halaman na Iyong diniligan

Buhay na buhay tulad ng sanggol na bagong silang

Kahit anong mangyari ako'y hindi Mo iiwan

Dito Ka lang sa aking tabi magpakailan pa man

Buhay ko'y iaalay ng walang pag-aalinlangan

Sabihin mo lang kung paano, saan at kailan

Alam kong hindi Ka magsasawa sa pagsubaybay

Ikaw ay nariyan at sa aki'y patuloy na aalalay

Sa kabila ng lahat ako ay Iyong tinanggap

Sa piling Mo ang katuparan ng aking pangarap

Alam kong kahit anong salita ay hindi sasapat

Panginoon, ako'y hindi magsasawang magpasalamat

Sa biyaya at grasyang patuloy na ibinibigay

Ikaw lamang ang tangi at nag-iisa kong gabay

3-9-15

14:21

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon