Mamang Driver, Mamang Driver
sweetblues025
Mamang Driver, bilisan mo naman ang patakbo
Hindi ko kakalimutang magbayad, pangako
Huwag na ring huminto at magpa-gasolina
Paki-usap lakasan mo rin ang pag-busina
Kanina pa kasi ako dito, tahimik na nagmamatyag
Buong mundo ko ay huminto sa paghihintay sa'yo
Tuwing gagalaw ka parang gusto kong mapalundag
Patawad Mamang Driver kung muka akong seryoso
Seryoso kasi talaga ako na hindi mahuli sa trabaho
Trabaho na mahirap hanapin sa buhay natin ngayon
Ngayon mukang mauubusan na talaga ako ng dugo
Dugo na dadanak pag nag-wala na ako ng todo
2-20-15 (17:38)
*****************************
AN: May napapansin ba kayo? Ano?
Hohoho, wala nanamang magawa si ako ^^,
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry