GUSTO KONG MANAPAK
Sweetblues025
Sa iyong biro ako'y hindi natutuwa
Hindi mo ba napapansin itong luha?
Bakit puso ko'y iyong winasak
Bigla tuloy gusto kong manapak
Binalot sa yelo, 'sing tigas ng bato
'Yan ang puso ko, bago mo mapaamo
Sakit lang naman ang 'yong ipinalasap
Bigla tuloy gusto kong manapak
Hindi makahinga, 'yan ang naramdaman
Nanghihinayang sa nasirang samahan
Hindi lang puso ang iyong tinapakan
Bigla tuloy gusto kong manapak
Una palang tinanong kung seryoso
Bago ko ibinigay itong aking puso
Puso ko'y ginawang patimpalak
Ayan tuloy nakatikim ng sapak
**************
AN: Napapaghalataan bang bayolente akong tao? haha :P
feeling ko talaga boxer ako noong past life ko, eh ^___-
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry