Hindi ko po sinasadya

167 10 10
                                    

Hindi ko po sinasadya

sweetblues025


Hindi ko po sinasadya

Paningin ko'y nag dilim lang talaga

Alam mo namang mahal ko siya

Pero bakit nakita ko kayong magkasama?

Sabi mo ika'y kaibigan ko

At 'pag kailangan ika'y sasaklolo

Pero paano mo ito nagawa?

Sa akin ay inagaw mo siya

Nahuli ko kayo sa gitna ng kama

Nagulat sa inyong ginagawa


Hindi matanggap iyong paliwanag

Hindi masabi sakin dahil naduwag

Sabi mo'y Mahal mo siya, matagal na

Pinag mukha niyo akong tanga

Kutsilyo sa tabi'y bigla kong nakita

Agad itinarak sa iyong sikmura

Ang katawan mo ay bumagsak

Dugo sa labi'y bumulwak

Pero ako'y tila bulag sa sobrang galit

Walang paki-alam kahit nagmaka-awa kang pilit


At pagkatapos siya ang binalingan

Sa takot ay gustong lumisan

Paano mo ako nakuhang lokohin

Pati kaibigan ko'y nagawa mong linlangin

Dinamba kita ng walang babala

Sa gulat ikay agad na natumba

Dinukot mata mong kay ganda

Sabi mo ako lang titingan, 'di naman pala

Isinaksak sa'yo itong hawak na patalim

Kaya naman tumigil sa panlalaban sa'kin


Pinutol ko ang iyong daliri

Kinuha regalo kong singsing dati

Tinanggal ko ang buo mong kamay

Inilagay sa bulsa kong agad nag-pula ang kulay

Sabi mo dati kamay ko lang hahawakan

Iyon ay hindi binigyang katuparan

Dahil ikaw ay nag-taksil sa akin

Galit ko ngayon ay iyong damhin

Puso ko ay iyong sinugatan

Luha ko sa mga mata'y 'di mapigilan


Kasalanan ngayon ay iyong pinagbayaran


3-16-2015

03:21



**********

This is super NOT based on real life situation, haha. Bigla lang siyang pumasok sa isip ko. Marami na akong nababalitaan at nababasang ganyan, huwag niyo nalang gayahin haha. :P enjoy nalang po sa pagbabasa ^^,

ateng dedicated sa'yo 'to kasi alam kong mahilig ka sa mga ganitong scene :P

Unlimited ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon