Pag-ibig niyang wagas
sweetblues025
Nang siya'y mag pasya na bigyan ka ng buhay,
Hindi mo ba alam, isang paa niya'y nasa hukay
Plano't pangarap sa sarili'y isinantabi
Pinili ka, nang walang pag-aatubili
Ngunit hindi maiwasang sila'y hindi maunawaan
Dumating sa panahong sila'y 'di pinahalagaan
Mas pinili mo ang lumayo't lumayas
Sumama sa pag-ibig na akala mo'y wagas
Sa iyong ginawa para mo silang pinatay
Buhay nila ay napuno ng lumbay
Nang ika'y bumalik, sugatan ang iyong puso
Hindi mo lang alam, mas nasaktan sila ng husto
Sa iyong karanasan hindi ka parin natuto
Sila'y nakakalimutan tuwing tumitibok iyong puso
Darating ang panahon ito'y iyong mararanasan
Sana sila'y maunawaan, pagmamahal nila'y iyong tumbasan
3-15-2015
01:51
AN: At talagang naluluha pa ako nung sinusulat ko 'to, dahil ba 'to sa puyat o sa kamandag ng sting? :P Sana'y may mapulot kayong aral ^^,
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry