Author's note muna:
Kapag hinamon mo na gumawa ng tula ang isang napaka-emo, dark at tragic na poet 'kuno' ito ang kalalabasan kahit gaano ka lively at happy pa ng topic :P
I did my best kahit hindi halata at ito lang po ang aking nakayanan, sana magustuhan mo kahit papano :) Gusto sana kita i-challenge back kaya lang baka mag challenge back ka din kaya 'wag na lang pala :P
Enjoy reading!
..........................................................................
SULAT
By: Sweetblues025
Madaldal akong tao, pero hindi pagdating sa'yo
Kapag ikaw ang kaharap, natatahimik lang ako
Kaya ang hindi ko masabi, sa sulat idadaan
Upang mabawasan ang bigat na nararamdaman
Ilang daang sulat naba ang ginawa ko para sa'yo
Naipon lang lahat dahil hindi ko maipa-abot sa'yo
Ngunit hindi ako nagsasawa, patuloy lang sa pagsulat
Tulad ng puso kong nagmamahal kahit puno ng sugat
Kung mababasa mo, ito ba'y magugustuhan
O baka naman matakot ka sa iyong matuklasan
Maramdaman mo kaya ang aking pagmamahal
Mapansin mo kaya na ako'y nahihirapan?
Isa lang naman ang sagot sa aking mga katanungan
Ang ibigay ang mga sulat nang damdamin ko'y malaman
Ngunit takot ang namamayani sa puso kong duwag
Baka sa iyong sagot ang puso ko'y mabasag lamang
Isasantabi ang takot para damdamin ko'y maipahayag
Dahil ayokong mabuhay na puno nang panghihinayang
Hihingi ng tapang sa aking mga kaibigan
Ano man ang kalabasan, bahala na si Batman!
********
May karapatan daw akong manghamon ng tatlong wattpad friend dahil nagawa ko ang challenge, hinahamon ko po sila:
@princeantukin : forbidden love
@YuriJury : friendzone
@ferds06 : self harm
pagpasensyahan niyo na , iyan ang naisip ko huwag na umapela. :)
Rules:
1. Gagawa ng tula ang tatlong naka-tagged ayon sa topic na ibinigay. No pressure, pero pine-pressure ko kayo :P
2. Matapos makagawa ay may karapatan na daw kayo mag challenge ng tatlong wattpad friend. Puwede mag challenge back, pero huwag na please :)
3. Bawal daw ang KJ.
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry