Buhay na madaya
sweetblues025
Buhay ay sadyang madaya
Wala ka nang ibang magagawa
Parang laro sa baraha
Kapalara'y hawak ng iba
Oo, magagawa mong lumaban
Pero kug talo'y 'wag mong ipag-pilitan
Ikaw ay sumunod na lamang
Sa batas ng isang taong gahaman
Nagtataka kung bakit hayop ang hari
Pero tayo'y nagti-tiis, di ko mawari
Ginagawa tayong mga tanga
Kahit ang sagot ay nasa harap na
Anong karapatan gumawa ng panuntunan
Kung sila mismo hindi iyon masundan
Naubos na ang boses, hindi pa rin marinig
Pagpapa-taba sa sarili, dyan sila magaling
Mga sosyal na hayop, nasa palasyo
Daig pa ang taong sumisiksik sa sulok
Ako'y naiinis, sobrang naiinis
Walang magawa, gusto'y'di maipilit
3-16-2015
06:52
BINABASA MO ANG
Unlimited Thoughts
PoetryCompilation of my poems, thoughts at kung anu-ano pang ka ek-ekan ^^, highest ranking: #1 in poetry